Ara Mina, ipinag-bibili lahat ng bahay!

Birthday ni Aga Muh­lach sa August 12 at lalabas na birthday presentation niya ang pelikulang A Love Story na showing sa Aug. 15. Nagpapasa­lamat si Aga sa Star Cinema sa pagbibigay sa kanya ng magan­dang project na kan­yang maipagmamalaki at isa ang pelikula sa best birthday gifts niya this year.

Magkakaroon ng US and European premiere ang pelikula one week after it’s Philippine playdate na dadaluhan din nina Maricel So­riano at Angelica Panganiban. Mapapa­nood ito sa San Fran­cisco sa Aug. 24, Los Angeles, Aug. 25; at Honolulu, Aug. 26. Sa September 7 naman ang premiere nito sa London at Ireland sa Sept. 9.

Ang “Tell Me” na composition ni Louie Ocampo at original na kinanta ni Joey Albert ang movie theme song nito at si Gary Valen­ciano ang kakanta. Noong Monday lang ni-record ang kanta at baka kantahin mamaya sa presscon ng peli­kula.

* * *

Naghahanap pa rin ng buyer si Ara Mina para sa bahay niya sa Ferndale, Quezon City. Ibinibenta nito ang ba­hay for P13.5 million at kasama sa bentahan pati gamit at ang ma­gan­da, still negotiable ang presyo nito.

Pati ang condo niya sa Eastwood ay ibini­benta rin ni Ara at dahil sa pagbenta ng bahay at condo, inisip na nag­hihirap na ito. Sabi nito sa guesting sa Show­biz Central noong Sun­day, mag-a-upgrade lang siya ng bahay at mahilig din daw siyang mag-invest at ‘yun ang ginagawa niya ngayon.

Nabanggit din ni Ara sa guesting na ‘yun na balak pa lang niyang bu­mili ng bahay, pero may nagtsika sa aming nakabili na ito ng bigger house in the same sub­division. Pinapa­ayos pa nito ang bahay at some­time in September pa siya makakalipat.

Kahit matagal nang hindi gumagawa ng pelikula, nasusunod ni Ara ang kanyang luho sa bahay at ito’y dahil sa sunud-sunod niyang shows abroad na uma­abot sa milyon ang ta­lent fee. Malaking tu­long din ang tf niya sa Bubble Gang at Lupin.

Samantala, this Wed­­nesday sa Lupin, may plano si Avril (Rhian Ramos) para mapatunayang iisang tao sina Lupin at Xe­drick. Maaalala naman ni Brigette (Ehra Ma­drigal) ang moments nila ni Lupin at sa galit, isusuplong niya ito kay Inspector Clavio (Jan­no Gibbs).

* * *

Kasama sa peli­ ku­lang ipalalabas sa Cine­malaya Indepen­dent Film Festival ay ang Gulong, co-pro­duce nina Butch Jime­nez at Sockie Fernan­dez na siya ring di­rector. Indie film ito, pero hindi pang-indie ang budget at trailer pa lang, maganda na.

The best ang kinu­hang technical people ni direk Sockie, gaya ng cinematographer na si Lee Meily. Ang sound design at engineering ay si Mike Idioma at musical scorer ay sina Dan at Geri Gil at si Christian Bautista ang kumanta ng theme song. Ang screenplay ay sinulat ng Palanca awardee na si Jeanne Lim.

Bida rito ang mga batang sina Steven Fermo as Apao, Josh­ua Medina as Tom-tom at Jorge Harris “Jo­pet” Concordia as Momoy at gaganap na anak ni Gary Valen­ciano as Joselito. Na­rito rin sina Barbara Pe­rez, Robert Are­valo, Odette Khan, Ina Feleo at Gardo Ver­soza.

First indie film ito ni Gardo at gaganap siyang young Robert. Kahit maiksi ang role, maganda ang working experience niya in doing the movie at tiyak na masusundan pa. Sa Sunday, July 22 ang gala premiere ng Gu­long, 12:45 p.m. sa CCP main theater.

Mapapanood si Gar­do sa Sine Novela’ng Kung Mahawi Man Ang Ulap as the young Eddie Garcia. Nag-aaral din itong mag-direk at gustong maka­gawa ng mala-Gla­diator na pelikula.

Show comments