^

PSN Showbiz

Dina, fan ni Juday!

-

Mukhang mahihira­pan nang makabalik sa kanyang career ang aktor na si Jericho Ro­sales dahil sa naka­raang guesting niya sa concert ni Sarah Gero­nimo sa Araneta Coli­seum ay hindi man lang nasiyahan ang tao sa performance niya.

Among the guests daw ay si Echo ang pinaka-boring at lu­maylay ang show, lalo na raw nu’ng nag-duet sila ni Sarah ay hindi ma­ ganda ang blending ng boses nila dahil masya­dong mababa ‘yung sa kanya. Bale ba, ang pa­gi­ging singer ang gus­tong maging career ngayon ng ak­tor.

Sana lang maka­bawi si Echo sa bago nilang soap drama ni Sarah na Pangarap Na Bituin with Jay-R Siaboc at Maja Salva­dor na airing na next month.

* * *

Kakaiba naman ang hatol ng masa kay Carlo Aquino na isa ring ma­husay na aktor na nga­yon ay turned singer na rin dahil sa bandang Kollide with his long time friends.

Tanggap ng tao si Carlo bilang singer dahil may karakter daw at may boses kaya hindi naman ito mahi­hirapan na ma-pene­trate ang music in­dustry dahil may ta­lento siya at higit sa la­hat, ma­runong mag-compose ng kanta at say pa, “Ma­rami na po kaming na­buong kan­ta, puwede na ngang i-advance ‘yung pangat­long album,” saad ng binata sa press launch ng “Alaala” album un­der Viva Records.

Ang ibang band mem­bers ng Kollide ay sina Aldo Aguilar, Ed­ward Lizada, Ald­win Navarro at An­thony Watson Lu.

* * *

Isa kaya si Dina Bonnevie sa nagpa­pa­taas ng ratings ng Ysa­bella ni Judy Ann San­tos?

Kaya namin ito na­ita­nong ay dahil reli­giously ay inaabangan ng prem­yadong aktres ang nasa­bing soap drama ni Bu­daday na ayon mismo kay Dina ay first time niyang sumubaybay ng soap opera.

“Iparating mo kay Juday tito Alfie (Lo­renzo) ha, I’m an avid fan of hers, gabi-gabi nanonood ako ng Ysa­bella, ha. Hindi ko pa na­­gawa ‘yun before,” na­kangiting sabi ng aktres.  – REGGEE BONOAN

 

 

 

 

 

ALDO AGUILAR

ARANETA COLI

CARLO AQUINO

DINA BONNEVIE

JAY-R SIABOC

JERICHO RO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with