Magtatatlong taon na nang maganap ang masakit na pangyayaring ito sa buhay ni Candy Pangilinan. Hindi man niya nakakalimutan ito, hindi na siya bitter ngayon, natanggap na niya ang itinakda ng tadhana. Pero, hindi naman ito sapat para hindi siya mag-seek ng annulment para mapawalang bisa ang kanilang kasal. Kahit na may kamahalan ang ganitong proseso, sa kanya na nagmula ang move na magpa-annul.
“Pwede na akong magpa-annul kasi parang abandoned na ako. Wala na rin akong nararamdaman para sa kanya ngayon, hindi galit at lalong walang pagmamahal,” aniya.
Masaya na ngayon ang komedyante. Maganda ang takbo ng kanyang career. Kasama siya sa sinusubaybayang Walang Kapalit nina Piolo at Claudine. Marami siyang guestings sa ABS CBN (Love Spell, bagong comedy show ni Aga Muhlach) at napili pa ng TFC para makasama sa mga special events nito sa Singapore at Bahrain.
She is also bound for a Canadian tour kasama si Sharon Cuneta sa buwan ng Setyembre at Oktubre.
Patok siyang muli bilang stand up comedienne (Rock da Vote, PBB finals na kung saan inispoof niya ang grand winner na si Beatriz Saw.
To top it all, meron siyang ginagawang isang movie na kung saan tatlong komedyante ang kasama niya (4-in-1 under Viva Films with Rufa Mae Quinto, Eugene Domingo at Pokwang bilang martyr na asawa ni DJ Durano.)
“I’m good because I don’t need to worry anymore even if life goes on with out a partner. I feel good and loved by a lot of people. God loves me more than I love myself and is just preparing me for the best. The best is yet to come.”
* * *
Dalawampung beses nang pabalik-balik ng bansa si David Pomeranz. Iisipin mo tuloy na isa na siyang local at hindi isang sikat na foreign singer na responsable sa mga hit songs na “Born For You” at “Got To Believe In Magic”.
Madalas na naman natin siyang makikita dahil meron siyang bagong album na ipo-promote, ang “Hold Tight” ng Becca Music Inc. na ipinamamahagi ng MCA Universal.
Nagsimula na siya ng kanyang mall tour nung Hulyo 13 at muling makikita siya sa Huwebes, Hulyo 19 sa Megamall, July 20, SM Southmall, July 21, SM Mall of Asia.
Nakapaloob sa kanyang album ang mga awiting “My Favorite Story”, “When I Look At You”, “Still Can’t Let You Go”, “Far As The Heart Can See”, “China Be Brave”, “Hold Tight” at “Lit From Within”. Kasama rin sa album ang awiting “Daybreak” na ang orihinal ay inawit ni Bette Midler.
* * *
Unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Sara/Vanessa (Sunshine Dizon) kay Nicolas (Mark Anthony Fernandez). Matutuwa naman ang asawa lalo’t panay na ang pagtatanong nito tungkol kay Lara/Lorna (Iza Calzado).
Samantala, patuloy pa rin ang asaran nina Yago (Mart Escudero) at Karen (Jennica Garcia. Pinupuna na sila ng mga kaibigan nila. Hindi kaya sa love din mauwi ang awayan nilang dalawa?
Samantala, desididong gantihan ni Lara si Betty (Jean Garcia). Pagnanakawan niya ang condo nito pero mahuhuli siya nito. Pagtatangkaan din niya itong patayin. Magtagumpay kaya siya?
Interesting na ang mga episodes na ito ng Impostora ng GMA na napapanood, Lunes-Biyernes.
Join na rin kayo sa pinag-uusapang teleserye para naman makalahok kayo sa usap-usapan.
* * *