Comedy program, ’di na uso

Last episode na bale nung nakaraang linggo ng tatlong week­ly sit­com ng GMA-7, ang Bahay Mo Ba ‘To na tumagal sa ere ng ma­higit dala­wang taon, ang Who’s Your Dad­dy Now na tumagal la­mang ng one season o 13 weeks at ang Ho­kus Pokus, Ibang Le­vel Na. Ang nasa­bing mga prog­rama ay pina­litan ng Kung Ako Ikaw, isang kakaiba at naka­katu­wang com­edy-reality show na kauna-una­hang mang­yayari sa Philippine television na magsisi­mula ngayong gabi, Hulyo 16. Magka­tulong bilang hosts ang mga ko­med­yanteng sina Keem­pee de Leon at Joey Marquez.

Ang Kung Ako Ikaw ay mapapanood ng tatlong araw sa loob ng isang linggo - Lunes hang­­gang Miyerkules.  Naka-tape ang episo­des ng Lunes at Martes at live naman kapag araw ng Miyerkules kung saan pipiliin ang ce­le­brity winner na pi­piliin ng ‘bisor’ (super­visor) at ang maka­ka­tanggap ng pinaka­ma­raming text votes.

Ang Kung Ako Ikaw ay may touch din ng dating reality show ng GMA, ang Extra Chal­lenge.

Ayon sa VP for En­tertainment ng GMA na si Marivin Arayata, bibigyan lamang daw nila ng ibang atake  ang mga comedy show dahil sawa na rin ang mga manonood ng mga tra­ditional comedy shows. Kung mag­kakasunod na nawala sa ere ang Bahay Mo Ba ‘To, Who’s Your Daddy Now at Hokus Pokus, maiiwan na­man ang Bubble Gang at Bi­toy’s Funniest Vi­deos kung saan pa­rehong tampok si Mi­chael V.

Show comments