Makisig, gustong maging direktor

Kamakailan lang ay sinadya namin ang show ng Mac and the Dudes sa SM Marilao, na pinangungunahan ng mabait at gwapitong si Makisig Morales. Kasama rin sina Rhap Salazar, Jai­rus Aqui­no, Kyle Balili at Robert Villar, nagpu-promote sila ng ka­nilang album na “Oldies But Kiddies”.

Maliban sa kanilang carrier single na “Breaking Up Is Hard To Do”, nariyan din ang bonus tracks na “Oh, Carol”, “Stand By Me”, “Runaway”, “Dia­na”, “Ang Cute Ng Ina Mo” at iba pa.

Kahit naka-apat na album na ang grupo ay marami pa ring pa­nga­rap at gustong maabot si Makisig.

“Sana po, maging mas professional pa akong singer tulad nina Gary V. at Martin Nie­vera. At balang araw, gusto ko rin ma­ging ma­galing na aktor, direktor at scriptwriter. Isusulat ko ang script at ako ang gaganap at magdidirek.”

Ayon kay Makisig, hindi rin daw naka­kalimot ang kanyang mga magulang para lagi siyang paalalaha­nan na hangga’t maa­ari ay huwag lalaki ang kanyang ulo. – BING ADORNA

Show comments