^

PSN Showbiz

Bukod sa pagku-concert, picture taking lang ang gagawin nina Yeng at RJ sa US, para walang tsismis!

-

Mag-iingat na raw si Pinoy Dream Aca­de­my grand star dreamer Yeng Constantino sa biyahe niya ngayon sa USA simula sa July 18 dahil naging traumatic daw sa kanya ang first out of the country shows nila kasama ang Top 6 da­hil kung anik-anik daw ang mga nagla­basang balita rito sa Pilipinas.

Matatandaang pa­wang negatibo ang na­ka­rating na balita rito sa Pilipinas nung nasa Amerika ang grupo ng PDA, nariyang nagla­sing si Yeng, nanigarilyo at kung anu-ano pa na ikinabahala ng pamilya niya lalo na ang kan­yang ama.

Maging ang Chan­nel 2 din ay naalarma sa nangyari sa Top 6 na naging dahilan kung bakit nabigyan ng sanc­tion ang apat sa top na sina Panky Trinidad, Chad Peralta, Irish Ful­lerton at Jay-R Siaboc.

Kaya ang pangako ni Yeng na iniwan, “Hindi mauulit kung anuman ‘yung mga isyung naka­rating dito, sure ‘yun.”

Pero mukhang mala­bong mangyari dahil ka­sama ni Yeng ang kan­yang special friend na si RJ Jimenez sa tour at obviously, sila lang ang magkakasama ng ma­dalas dahil among the guys na kasama tulad nina Ronnie Liang at Jay-R ay sa una siya super-close.

“Siguro po puro pic­ture taking lang gagawin namin at saka sisigura­duhin kong hindi kami hihiwalay sa grupo para walang isyu,” paliwanag ng bagets.

Sa more than a month niyang wala sa Pilipinas ay pinagha­handaan naman ng magulang niya ang pagbabalik ni Yeng dahil bubuksan naman nila ang business niyang rehearsal shop na kung saan nagre-rehearsal ang mga banda dahil ito raw ang malakas na negosyo sa San Mateo at Montalban, Rizal kung saan ang home-base niya.

“Malaki po kasi ang kita, 2 to 3 thousand a day kasi P200 per hour po ang rate, so hindi na po masama dahil sa loob ng isang buwan, e, P60 thousand or more ang kita. Kesa naman po na­tu­­tulog lang ang mga kinikita ko, tapos si ma­ma, magtatayo ng biga­san at maliit na tindahan ng gulay, isda at mer­yen­dahan,” es­plika ni Yeng.

Samantala, as of now ay namo­mroble­ma ang dalagita dahil hindi pa niya naga­ gawa ang mga sound­track ng Sakal, Sakali, Saklolo, tatlong kan­ta sa TV ad niyang Pep­si Cola at mga awitin sa 2nd album niya.

* * *

And speaking of Pi­noy Dream Academy ay nakatsikahan namin sa ABS-CBN ang pa­ngatlong na-expel na si Geoff Taylor, ‘yung am­boy na laking Cagayan Valley.

Hindi naman nagta­tampo si Geoff sa Dream Big Pro­duc­tions dahil hindi naman daw siya napapaba­yaan bilang contract star nila for a year, kaya lang nagtatanong siya kung ano ang mangya­yari sa katulad niyang hindi kasama sa Top 6.

May nabalitaan ka­ming gustong kumuha kay Geoff na isang clothing apparel, pero tila hindi naman yata interesado ang Dream Big Productions sa offer dahil balita namin ay hindi sinasagot ng mga bossing ng DBP na sina direk Laurenti Dyogi at Jon Ilagan ang mga inquiries kaya ipinadaan na lang ng kliyente sa co-manager ni Geoff na si Victor Felarca.

* * *

Ibinalita sa amin ng Program Manager ng Love Spell na si Ms. Da­gang Vilbar na pa­nalo ang tambalang Sam Milby at Angelica Panganiban na may titulong My Soulphone dahil winner daw ang show sa Metro-Manila ratings.

Hindi raw kasi ini-expect ng nasabing bos­sing na click pala ang Sam at Angelica team-up na nag-umpisa sa Maging Sino Ka Man.

Kaya ngayong araw, Linggo ay umaasang hindi bibitiwan ng supporters nina Sam at Angelica ang Love Spell right after ng Your Song. —REGGEE BONOAN

DAHIL

GEOFF

LOVE SPELL

SHY

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with