^

PSN Showbiz

Okay lang kay Katrina na sabayan siya’t talbugan ni Asia, siya naman ang bida!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ang balita na nag-suicide si Rod Strunk sa California ang hottest showbiz news ka­hapon.

Si Rod ang American husband ni Mama Nida Blanca at siya ang suspect sa pag­patay sa aktres noong November 2001.

Super-deny si Rod na may kinalaman siya sa pagpaslang kay Mama Nida keseho­dang may mga ebiden­sya laban sa kanya ang NBI.

Nakabalik sa Ameri­ka si Rod at mula nang mag-goodbye Philippines siya, wala nang nabalitaan tungkol sa kanya hanggang ku­ma­lat kahapon ang balita na nagpaka­matay siya.

Kulang pa ang mga impormasyon tungkol sa pagpapakamatay ni Rod pero may mga nagsabi na kung true nga na siya ang nag­papatay kay Mama Nida, siningil na siya ng kanyang kon­sensya.

Hinihintay ng mad­lang-people ang reak­syon ni Kaye Torres sa nangyari sa kanyang stepfather. Buo ang pa­niniwala ni  Kaye na may kinalaman si Rod sa pagpatay sa kan­yang ina.

Naniniwala rin ako na may alam si Rod sa pagpatay kay Mama Nida dahil kung tala­gang inosente siya, bakit wala siyang ka­abug-abog na bumalik sa Amerika sa gitna ng kainitan ng im­besti­gasyon sa kaso?

* * *

Napanood ko ang video ng pagrampa nina Katrina Halili at Asia Agcaoili sa event ng FHM at halatang-halata na sinapawan ni Asia si Katrina kahit nag-deny siya.

Ang sey ni Asia, may nagsabi raw sa kanya na sabayan niya sa pag­rampa si Ka­t­rina.

Puwedeng tumang­gi si Asia dahil moment ‘yon ni Katrina pero dahil type din niya na  umek­sena, nakisabay siya sa pagrampa.

Base sa video na napanood ko, natal­bugan ni Asia si Katrina dahil mas revealing ang kanyang sexy outfit at halos lumipad sa ere ang beywang dahil bigay na bigay ang pagkembot niya.

Nagtagumpay ba si Asia sa pagnanakaw ng eksena kay Kat­rina? Oo naman dahil napansin ng mga tao ang kanyang ginawa at siya ang pinag-uusa­pan ngayon! Kanya-kanyang drama lang ‘yan ‘noh!

* * *

May mga ayaw ma­niwala sa ibinalita ko na Shaido ang title ng next TV series ng GMA 7.

Sorry na lang sa  mga hindi naniniwala dahil ‘yon talaga ang pamagat ng show pero nilagyan ito ng sub-title na Pulis-Pangkala­wakan.

Puwede rin na mag-isip ng bagong title ang writer ng show porke bayolente nga ang reaksyon ng fans dahil tunog-brand ng cosmetic ang pamagat na Shaido na pinakama­lapit sa Shaider.

* * *

Tumaas ang kilay ng mga baklita na nakaka­ alam sa tunay na relas­yon ng isang trying-hard actor at ng kanyang gay benefactor.

Idinenay ng aktor na may relasyon sila ng baklita. Magkaibigan la­mang daw sila at dahil pa­ laging mag­kasama, nag­malisya ang ibang tao na me­ron silang relasyon.

Nag-react ang mga baklesh. Saksi raw sila sa magandang pagti­ti­ngi­nan ng aktor at ng gay benefactor.

Hindi raw bago sa aktor ang makipagre­lasyon sa mga bading dahil naging boyfriend na siya ng mga sikat na gay personality.

Huwag na raw mag­malinis ang aktor dahil ito mismo ang nagku­ku­wento sa kanyang mga kaibigan tungkol sa mga baklesh na nakarelas­yon niya!

DAHIL

MAMA NIDA

PLACE

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with