Naninibago sa kanyang pagbabalik ang ex-konsehalang si Barbara Milano, sa TV drama na Triple K, Krusada Kontra Krimen bilang kapareha ni Mon Confiado na pinangungunahan ni Joel Torre.
Maaga pa’y nasa set na si Barang, para silang nag-reunion ni Mon dahil nagkasama sila noon sa Virgin People 3 directed by Celso Ad Castillo. Mag-asawa ang role nila at napabayaan ang anak, kaya’t nabilanggo dahil naging adik. Nabilanggo rin si Mon, dahil may mga anomalyang ginawa.
Mabuti na lang, balik-showbiz si Barang. Tatlong taon siyang nagsakripisyo para sa pulitika. Sayang ang mga alok niyang tinanggihan noon dahil akala’y mahal siya ng mga kababayan. Hindi pala! —VIR GONZALES