Maraming artista na ang nalaos pero, nandito pa rin kami
Hindi maitago ng TV reporter na si Josie Manago ang sama ng loob dahil sa naglabasan daw na mga sinulat ng ibang writers na nagsasabing nag-ambush interview lamang siya kay Angel Locsin sa airport bago ito umalis patungong US. Hindi niya malaman kung sino ang nagkakalat na isang ambush interview ang kanyang ginawa ganung nalalaman naman daw ng lahat ng mga dapat na makaalam na pupunta siya roon, in the first place papaano nga naman niyang malalaman kung anong oras nasa airport si Angel kung hindi siya sinabihan?
Ang isa pang isinasama ng loob ng Jopay, wala naman daw masama sa kanyang ginawang interview at sa kanyang ginawang report pagkatapos, hindi niya malaman kung bakit sinasabi pang ambush interview lang naman daw kasi ang ginawa niya. Pero sabi nga ni Jopay, alam naman niya kung kaninong kampo iyon more or less, dahil kilala rin naman niya kung sino ang “boss” ng mga nagsulat
Aywan kung bakit nagkakaganyan. Bakit nga ba mukhang magulo ang mga kampo niya at ng GMA ngayon, eh dapat magkakampi sila. May lumalabas ding mga kuwento na nakipag-usap din naman daw si Angel sa mga executives ng GMA 7. Kung ganun, sino ba ang nagpapagulo ng sitwasyon? Dahil ba sa may mga bagay na hindi nagugustuhan si Angel o dahil lamang sa mga gusot ng sistema ng management ng kanyang career? Iyan ang isang anggulo na kailangan nating isipin.
Si Angel Locsin ang nasasapol ngayon ng lahat ng controversy, pero ang tanong, si Angel ba naman talaga ang magulong kausap?
Baka naman may mga taong nagiging unfair sa pagbibintang kay Angel ng mga bagay na wala naman siyang kinalaman. Pero doon sa nangyari kay Josie Manago, hindi namin siya masisisi kung sumama man ang kanyang loob.
Kung kami talaga ang tatanungin, kung may mga artistang ayaw magpa-interview eh di huwag. Marami kaming mga nakasabayang artista noong araw na sumikat talaga, pero
* * *
Noong isang araw may ginawa kaming research at nagulat kami sa aming nakita. Iyon palang record ng longest running live musical variety show ay anim na oras, at iyan ay ang GMA Supershow ni Kuya Germs noong araw. Ang show na iyon ang may hawak din ng record ng pinakamaraming tv commercials. May seventy commercial minutes na pumasok sa kanyang show.
* * *
Mayroong invitation para sa lahat na makiisa sa pagdiriwang ng misa sa Linggo, 5NH sa
- Latest