Kasisimula lang ng ‘Anghelita’, mayro’n na agad kapalit!

Ang ex-boyfriend ng gay TV host ang naki­na­bang sa pagku­kuwento nito tungkol sa kanilang nakaraang relasyon.

Take note, nagpa­padala ng sulat ang mga kaibigan ng ex-boy­friend sa mga entertain­ment columnist para i-deny ang tsismis na naging stalker siya ng mas sikat at mabait na gay TV host.

Marunong ang mhin! Sinamantala niya ang pag­kakataon para mag­ka­roon siya ng lib­reng publicity para ma­tupad ang kanyang pa­ngarap na mapansin at maging artista.

Dyuskoday, two years old na pala ang isyu pero binuhay pa ito ng gay TV host kaya ang kanyang ex-boyfriend ang nakikinabang nga­yon.

* * *

Comedy reality TV show ang ipinapauso ng GMA 7 dahil ‘yon daw ang gusto ng teleview­ers.

At dahil love ng Ka­puso network ang kani­lang viewers, may-i-pro­duce nila ang kauna-unahang come­dy reality show, ang Kung Ako Ikaw.

Sina Joey Marquez at Keempee de Leon ang mga host ng ba­gong Kapuso show na mag-uumpisa sa July 16.

Bongga ang show dahil mabibigyan ng chance ang mga ordi­nar­yong mangga­gawa na mapanood sila sa TV at ang kanilang mga trabaho.

Ginastusan ng GMA 7 ang Kung Ako Ikaw dahil kung saan-saan ang location ng kanilang taping.

Dalawa pa ang pro­duction unit manager ng show dahil madugo at matrabaho ang co­medy reality show. Sina Bang Ares­pa­cochaga at Red­gie Magno ang mga PUM ng If I Were You. If I Were You daw o!

 Ma­la­k­as ang vi­bes ko na magi­ging click sa ma­nonood ang Kung Ako Ikaw dahil en­ter­taining ito at ka­kaiba ang concept!

* * *

Correction please. Hindi pa kami nagkikita o nagkakaharap ng isang gimikerang aktres kaya mali ang tsismis na nagkasundo na kami, off-cam.

Hindi ko papanga­lanan ang aktres dahil ayokoooooooooooo at hindiiiiiii ko pinangarap na magamit at mag­pagamit sa kanyang mga future gimmick!

* * *

Shaido at hindi na Shai­der ang title ng TV series ng GMA 7 na ma­­giging kapalit ng Mga Mata ni Anghelita kapag nag­wakas ito.

Hindi raw pumayag ang Hapon na may-ari ng Shaider na gamitin ito bilang title kaya Shaido ang brilliant title na naisip ng writer na si Don Michael Perez.

Pambata ang ku­wen­to ng Shaido ka­ya asahan na­tin ang ma­taas na rating ng show ka­pag nag-um­pisa ito.

Kahapon ang story con­­­ference ng Shaido at dinaluhan ito ng mga artis­tang kasali sa cast na hindi ko na ba­bang­­­gitin ang­ mga name dahil marami sila

‘noh!

* * *

Nagluka-lukahan ang aktres na may image na pasaway. Hin­di niya sinipot ang imbi­tasyon ng mabait at ki­lalang TV host na mag-guest sa isang non-showbiz event.

Alam n’yo ba ang dialogue ng hitad na ak­tres? Nagtatrabaho raw siya para kumita!

Daay, ang hindi alam ng hitad, may kapalit na talent fee ang pag-apir niya sa event.

Na-turn off ang TV host sa aktres. Knowing him, never na siyang hi­hingi ng pabor sa aktres na feeling forever na hot ang takbo ng kan­yang career.

Nalilimutan yata ng aktres na lahat ng bagay sa mundo eh pansa­mantala. Bukas, ma­kalawa eh Luz Val­dez na rin ang kanyang ca­reer kaya hindi ma­katarungan ang pag-iinarte niya!

Show comments