Isang source ang nagbulong na hanggang ngayon daw ay ‘galit’ pa rin si Regine Velasquez kay Pia Guanio kaya ayaw nitong mag-guest ng live sa Showbiz Central. Nag-start ang supposedly galit ni Regine kay Pia nang mag-guest siya para i-promote ang pelikula noon nila ni Piolo Pascual na Paano Kita Iibigin kung saan na-mention ni Pia ang tungkol sa kanila ni Ogie Alcasid eh prior to the airing daw ng interview, parang nagsabi si Regine na ayaw niyang pag-usapan si Ogie Alcasid. Ang kaso natanong pa rin si Regine in passing kaya after the interview, nagkaro’n ng issue na nag-walk out daw ang Asia’s Songbird.
Up to now kahit na inamin na sa buong mundo nina Regine at Ogie ang kanilang love for each other, balitang ayaw pa rin nitong mag-guest muna sa Showbiz Central.
Ang issue: hindi kaya galit lang talaga si Regine kay Pia dahil there was a time na naging open si Ogie sa admiration niya kay Pia Guanio? Naging vocal noon si Ogie sa pagsasabing crush niya si Pia. Eh that time pala, sila na ni Regine.
May jealous factor ito samantalang may Vic Sotto na naman si Pia para magselos pa si Regine.