Jed Madela, ayaw magmukhang tatay nina Christian, Erik at Mark

Singer’s singer ang tawag kay Jed Madela  dahil anumang piyesa, gaano man ito kataas at kakumplikado, kaya niyang ibirit. May nag­sabi pa ngang “Pa­rang hindi na tao si Jed sa sobrang galing!”

Maging sa labas ng bansa, kilala at pina­ngi­ngilagan si Jed.

Ilan lamang sa mga na­ panalunan niya:  Best Voice of Asia Male Sing­er, 2002 Ka­zakhstan  Songfest; Sil­ver prize, 2003 Voice of Asia In­ter­national Song­fest, Ka­zakhstan; 2003 Break­through Male Per­form­er, Cel­ebrity Chro­nicle, H’wood, USA; 5 golds, 1 sil­ver, 2005 World Champ­ion­ships of  Per­form­ing Arts (WCOPA) o  Voice  Olympics.  Siya ang ti­nanghal na Champ­­­ion of the World sa male div. At Grand Champ­ion at overall winner.

Sa nalalapit na WCOPA na kung saan kasali na naman ang ma­raming Pinoy, mu­ling na­imbitahan si Jed na umu­po bilang judge. Taun-taon ay ginagawa niya ito simula nang ma­ging over­all champ­ion siya.

Ipi­n­ag­ma­ma­laki rin niya na simula nang ma­nalo siya rito ay nag-iba ang pa­nanaw ng ma­ra­ming nasa likod ng paligsa­han, tung­kol sa ating bansa at ang mga na­ninira­han dito.

“Akala kasi nila nung una, nakatira pa tayo sa mga dampa at walang sapin ang mga paa. Nung ma­nalo tayo, sina­bihan ko sila na, ‘Do you see the houses in Be­verly Hills? We also have those and our malls are the biggest not only in Asia but in the whole world.”

Nakakuha rin siya ng isang gold award para sa duet nila ni Karylle na “Only Self­less Love na ginamit na theme song sa 4th World Meeting of Fa­milies.

Maliban sa pag­kanta, ginampanan din ni Jed ang male lead sa sikat na stageplay na East Meets West.

Sa kasalukuyan, na­ririnig ang mga awitin niya sa rad­yo. Ilan sa mga hits niya sa “Just Hu­man” album ay ipa­ririnig niya sa kanyang birth­day concert sa July 14 sa Metro Con­cert Bar. Tulad ng “And I Love You So”, “There’s No Easy Way”, “For­ever­more”, “I Want To Give It All”, “Only Love”, ang pa­borito niyang duet nila ni Gary V na “Hard Habit To Break” at ma­rami pang iba.

Sa ngayon, abala sa pagpapapayat si Jed, di lamang para sa na­lalapit niyang concert kundi “Para naman hindi ako magmukhang tatay ng mga kasama­han ko sa ASAP (Chris­tian, Mark, Erik, etc.). Bukod sa pag­punta ng mada­las sa gym, talagang kumuha siya ng dieti­tian at nutri­tionist para alala­yan siya sa pag­kain. So far, ma­ganda ang resulta, pu­mayat na siya at gum­wapo dahil lumiit ang mukha niya.

* * *

Talagang puspu­san ang pakikipagla­ban ng Showbiz Cen­tral sa kan­yang napa­lakas na ka­la­ban, ang pro­grama tu­wing Ling­go na The Buzz ng ABS CBN. At kahit ma­itu­turing na bunso sa da­lawang pro­grama, nakikita naman ang effort ng programa at maging ang mga hosts nito (Pia, John Sweet at  Ray­mond) na hindi ma­pag-iwa­nan ng ka­bi­lang is­tas­yon.

Nung Linggo, proud sila dahil dala­wang pun­tos la­mang ang ini­lamang ng ka­nilang higanteng ka­laban sa rating na The Buzz 15.7, Showbiz Cen­tral 15.5.

* * *

E-mail:  veronicasamio@yahoo.com

Show comments