I’m sure hanggang ngayon curious ang mga fans ng Shamrock sa nag-iisang foreigner member nito na si Harald Huyssen, drummer ng grupo.
Pero sorry ladies taken na si Harald, in fact four months on the way ang kanyang Pinay na misis. Sa katunayan, lagi itong may glow sa kanyang mga mata kapag pinag-uusapan ang kanyang coming baby na dito sa ‘Pinas niya palalakihin. “Behaved” rin siya sa kanilang mga gigs. At thankful siya sa kanilang mga fans sa pagrespeto sa kanyang pagiging happily married.
Si Harald ay 26 yrs. old at ipinanganak sa Germany pero mas matagal siyang tumira sa Malaysia kasama ang mga magulang niya na parehong Christian missionary. Hanggang makarating ang mission work nila sa ‘Pinas nung 1989. Dito rin niya na-meet ang kanyang gf na ka-church member din nila na ngayon ay misis na niya.
Ang gf niya ang unang lumapit sa Shamrock nang marinig nitong nangailangan ang grupo ng drummer nung year 2000. Nagsimula si Harald tumugtog ng drums sa edad na five yrs. old. Pero pinilit siyang pag-aralin ng piano ng parents niya para matuto ng tamang disiplina sa music at tumugtog ng mga classical songs. Sa edad na 13 yrs. old finally ay pinagbigyan siya ng parents niyang tumugtog ng drums dahil ito talaga ang hilig niya. At pinatunayan niya na kahit ang mga drummer ay may disiplina ring ipinaiiral.
Graduate si Harald ng BS of Music sa College of Music sa Berkeley USA. Nagtuturo rin siya sa UST ng jazz. At the same time in private ay nagtuturo rin siya ng music sa mga gustong matuto lalo na sa drums. Meron din siyang busi ness na Chicago Hamburger sa Tagaytay.
Madalas siyang tanungin ng mga friends niya sa US kung bakit napili niyang mag-settle dito sa bansa. At ipinagmamalaki niyang second home na niya ang ‘Pinas kung saan bukod sa dito na siyang magsisimula ng sarili niyang pamilya, marami na rin siyang kaibigan bukod sa grupo niyang Shamrock.
Gusto rin niya ang mga pagkaing Pinoy tulad ng menudo, bicol express, pansit, kaldereta at halos lahat ng pagkain ay kinakain niya. Maliban sa isaw, chicken feet at balot. Binibigyan nga siya ng P500 para lang kumain ng balot pero hindi raw niya talaga kayang lunukin ang sisiw. Kahit ilang taon na si Harald sa bansa hindi pa rin niya ma-take ang traffic kung saan sa Antipolo pa siya nakatira.
Sa tagal din ni Harald sa bansa, hindi pa rin niya ma-practice ang pagsasalita ng Tagalog. Pinagtatawanan kasi ang kanyang accent kaya umiiwas na lang siyang magsalita ng Tagalog.
Si Harald ang nag-compose ng dalawang love songs na “It’s Me,” “Be With You” at isang relevant song na “Freedom” sa kanilang bagong album na Shamrock Barkada.