^

PSN Showbiz

Nakakainis na si Wendy!

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

Ang dapat sana’y gulo sa pagitan lang ng nagkahiwalay na mag-asawang Yilmaz Bek­­tas at Ruffa Gutierrez ay nagkaroon na ng pagsasanga ngayon.

Damay na rin sa kontrobersiya si Dolly Ann Carvajal, hindi nagustuhan ng mag-inang Ruffa at Tita Annabelle Rama ang inilabas ni Dolly Ann sa kolum nito na may insinwasyong sangkot sa negosyo ng droga sa Istanbul ang pa­milya ni Yilmaz, tina­wag na bruhilda ng ina ni Ruffa si Dolly Ann.

Ayon  kay Tita Anna­belle ay tantanan na raw ni Dolly Ann ang pakikisawsaw sa isyu, ang mga baho na lang daw nito ang sulatin ni Dolly Ann sa kanyang kolum, hindi naman sumagot si Ruffa sa tanong dahil hindi raw sila magka-level ni Dolly Ann.

Ang inilabas ni Dolly Ann sa kolum nito ay isang balitang lumabas sa Turkey nung ikasal sina Yilmaz at Ruffa, isinalin lang sa Ingles ng kolumnista ang in­terpretasyon ng ku­wento sa naturang pa­hayagan, na si Yilmaz nga ay may kunek­siyon sa mundo ng bentahan ng droga sa kanilang bansa.

Sa Istanbul nangga­ling ang balita at hindi naman mismo kay Dolly Ann, pero hindi yun nagustuhan ng actress-beauty queen at ng kanyang pamilya,  kaya si Dolly Ann ang nalalagay sa mainit na tubig ngayon.

Ganun talaga ang buhay ng mga manu­nulat, paminsan-min­san ay naiipit sila sa sit­wasyong hindi naman nila gusto, hindi sa la­hat ng panahon ay na­u­una­waan ng mga per­sonalidad ang kanilang intensiyon na maghatid lang naman ng balita.

Pero isang araw ay magkakasundo rin ang magkabilang panig, sayang naman ang kanilang pinagsama­han, nung nabubuhay pa si Ate Luds (Inday Badiday) ay malapit ang pamilya Gutierrez sa namayapang broad­caster na ina ni Dolly Ann Carvajal.

Pero saludo kami sa pagiging edukada ni Ruffa Gutierrez, mula nung ipanganak ang isyu sa pagitan nila ni Yilmaz Bektas hang­gang sa mga oras na ito ay literal niyang pinaiiral ang madalas nating sabihing grace under pressure,  nag­sa­salita ang katalinu­han ng actress-beauty queen sa ginagawa niyang pagharap sa problema nila ni Yil­maz.

Sa kabila ng pana­na­kit ni Yilmaz sa kanya ay kontrolado pa rin ni Ruffa ang kan­yang emosyon, gusto niyang tapatan ng mga lumalatigo ring salita ang kanyang mister, pero ang kapakanan pa rin nina Lorin at Venice ang nakadikit sa kanyang isip.

Ihinanap pa rin niya ng katwiran ang pag­tawag sa kanya ni Yilmaz ng traydor at Brutus, siguro raw ay nasasaktan lang sa ngayon ang kanyang asawa, kaya kung anu-ano ang mga sinasabi nito.

Tama ang matagal na naming impresyon kay Ruffa, hindi lang siya maganda sa pan­labas, napakaganda rin ng kanyang ka­looban.

* * *

Inis na inis ang ka­ibi­gan naming si Mari­car Fernandez, may-ari ng isang pamba­tang eskwelahan sa Pateros, kina Wendy Valdez at Bruce Que­bral ng Pinoy Big Brother Season 2.

Mula raw nung bu­malik uli sa Bahay ni Kuya si Wendy ay hindi na siya nanonood ng nasabing reality show, sana raw ay pareho nang palabasin sa PBB house ang dalawang housemates, dahil hindi magandang ehemplo ang mga ito sa manonood.

Hindi lang si Mari­car ang naaartehan kay Wendy, kung ila­labas namin sa kolum na ito ang mga tina­tanggap naming ko­mento ng ating mga kababayan laban kay Wendy ay baka sa­kupin namin ang lahat ng espasyo sa paha­yagang ito, marami tayong kababayang nabubuwisit kay Wen­dy Valdez.

Pero kung aanali­sahing mabuti ay po­sitibo yun para sa da­laga, maraming nag­papapansing kalahok sa Bahay ni Kuya, pero si Wendy ang si­nesentruhan ng pub­liko.

Ibig sabihi’y hawak ni Wendy ang mga ka­tangian para sumikat siya, ang unang hak­bang tungo sa pagiging popular ay ang interes ng publiko sa baguhan, sa puntong yun ay na­kauungos na si Wendy sa labanan.

May dalawang mag­kakontrang katangian ang mga artistang su­misikat,  kundi sila hi­na­hangaan-nagugus­tuhan ay kinaiinisan naman sila, pasok si Wendy Valdez sa ika­lawang katangian.

DOLLY ANN

RUFFA

SHY

WENDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with