Acting ni Diana, pasable

Napanood namin ang Silip ng Seiko Films. May psychological touch ang movie kung saan ang paranoia o ang pagiging sobrang paranoid ay nagreresulta sa pa­giging psychotic na siyang ginampanang karakter ni Diana Zu­biri. Kailangang ma­panood ito mula sa simula para main­tindihang mabuti ang pelikula.

Isang revelation sa pelikula si Polo Ra­vales. Magaling itong umarte gayundin si Francine Prieto. Tatlo lang ang ka­rakter pero nabigyang buhay nila ang Silip. Tama si Direk Joel La­ma­ngan sa pagsasa­bing isa sa kanila ay po­sibleng manalo ng acting award lalo na si Diana.

Maganda at artis­tiko ang kinalabasan ng ka­nilang mga lovescenes at na­pakaganda ng ta­nawin sa Bongabon, Nueva Ecija at kudos sa cinematographer. Pala­bas na ang Silip sa June 6.

Billy, Pabalik-Balik Ng France

Magsisimula sa June 10 ang Move! The Billy Crawford’s Search for Pinoy Dancers na ka­una-unahang dance reality show sa telebisyon kung saan hahanapin ang 24 dance idols mula sa daan-daang contestants. Mula dito at kuku­ha ng anim na dance idols na mag­kakaroon ng pagka­kataong maka­sama si Billy Crawford sa kanyang concert bukod pa sa cash prizes at management contract sa GMA Network.

Tinanong ko si Billy kung tatanggapin ba niya ang offer bukod dito sa reality show na mag-host ng isang dance show.

“Kung maganda ang offer, why not. Syempre depende  rin ito sa aking manager. Baka kung matuloy pabalik-balik lang ako ng France,” aniya.

Saludo kay Billy ang kaibigang French choreographer na si Mariss ng Paris.

“Billy can sing perfect notes. He has so much talent. He’s amazing and really a professional,” anang choreographer.

Show comments