Lucita Soriano, nakabingwit ng Puerto Rican
Nagtataka kami kung bakit hindi na gaanong visible sa pelikula at maging sa telebisyon ang veteran actress na si Lucita Soriano. Yun pala ay sa Amerika na ito naka-base ganoon din ang anak niyang si Gary Boy Garcia na naka-base sa Texas at nagtatrabaho bilang isang network programmer habang narito naman sa Pilipinas ang isa pa niyang anak na si Marco Polo Garcia na nagsisilbing kagawad sa Bgy. Pasong Tamo ng Quezon City..
Si Lucita na isa na ring pastor magmula nang siya’y maging isang born again Christian nung September 1980 ay naka-base ngayon sa Sacramento, California at nagtatrabaho siya ngayon sa Philippine Children’s Fund of America, isang non-profit organization.
Sa darating na July 18 ay magsa-sampung taon na ring wala ang kanyang namayapang mister, ang veteran actor na si Rodolfo ‘Boy’ Garcia.
Sa edad na 67, muk hang bata ngayon si Lucita na masasabing hiyang sa Amerika. Katunayan, inamin nito sa amin nang kami’y magkita sa taping ng Walang Tulugan ni Kuya Germs nung isang Sabado ng gabi na meron siya ngayong boyfriend na isang Puerto Rican na nagngangalang Jose Antonio Garcia na labing-apat na taon ang bata sa kanya. Mahigit tatlong buwan na umano niya itong kasintahan at isa itong diborsiyado.
Dumating sa bansa si Lucita nung Marso 3 at bumalik na ito ng Amerika nung nakaraang Huwebes.
* * *
Ang singer-comedienne na si Tuesday Vargas ang tampok na panauhin ng Bahay Mo Ba ‘To ngayong Martes ng gabi sa GMA-7. Dahil pasukan na, back-to-school ang tema ng programa na tinatampukan nina Ronaldo Valdez, Tessie Tomas, Gladys Reyes, Wendell Ramos, Keempee de Leon, Francine Prieto, Sunshine Dizon, Sherilyn Reyes, Mike ‘Pekto’ Nacua, Tiya Pusit, Dino Guevarra at iba pa mula sa direksiyon ni Al Quinn.
* * *
Personal: Belated happy birthday sa aking nakatatandang kapatid na si Estrella Amoyo-Anabeza kahapon, June 3.
* * *
E-mail: [email protected]
- Latest