Marunong pa ring mag-Tagalog si Billy Crawford, pati bad Tagalog words gaya ng p—a na twice niyang sinabi nang tanungin ng apelyido ng French ex-girlfriend na nanloko sa kanya.
Guest si Billy later sa SOP at may number sila ni Jay-R. Aalis siya this week for Japan for some business matters at ‘di namin natanong kung narito siya sa premiere ng Move! The Billy Crawford’s Search for Pinoy Dancers. Kailangang nasa Los Angeles siya sa June 27 dahil invited sa party ng Jackson’s family friend nito si TJ Jackson, pamangkin ni Michael Jackson.
Binanggit ni Billy sina Madonna, Justin Timberlake, Usher, 3T, Lenny Kravitz, Mandy Moore at Celine Dion sa foreign artists na naka-trabaho na niya. Package deal pala ang pagkuha sa mga artist sa mga tour, kaya nakasama niya ang mga ito.
Eight weeks tatakbo ang dance show na hahanap ng six dancers na magiging back-up dancers ni Billy sa kanyang August 4 concert sa Araneta Coliseum. Produced ito ng Star Media, TV director na si Louie Ignacio, stage director si Rowell Santiago at mapapanood sa GMA-7.
* * *
Pinatulan na rin ni Keanna Reeves si Julia Lopez na noon pa nang-ookray sa kanya na kesyo ‘di siya ka-level. Hindi siya nag-react dati dahil umiiwas sa tsismis at ayaw ng negative issue, pero hindi na ito nakatiis at dinamay pa si Ethel Booba na nag-iingay din, pero friend daw niya ito. Pinuri pa niya ito’t mukhang sosyal at mas gumanda sa black hair.
“Ayaw kong magalit kay Julia, nangangailangan siya at ginamit ako para pag-usapan siya. Pabayaan na lang natin kahit natsi-cheapan ako sa isyu. Na-meet ko na siya sa set ng Deal or No Deal ‘di kami close. Nagulat ako nang i-name drop niya ako, may show pala,” sabi nito.
Inaalagaan daw niya ang relasyon sa boyfriend niyang si Sofian Ait dahil baka mawala.
Bumili siya ng French book at nagti-text in French at inakala ng bf na marunong na siyang magsalita, hindi nito alam na may libro siyang katabi habang nagti-text. Ang bf ang kasama ni Francine Prieto sa bagong Bench underwear billboard.
* * *
TV launch sa ASAP ngayon ng Star Magic 15 na ang eight female members ay aming na-interview. ‘ Katuwa dahil kung saan-saan sila nadiskubre at si Daphne Cortez ang pinaka-klasik dahil sa burol ng kanyang lolo nakita habang umiiyak. Fourth year sa St. Joseph’s School sa Las Piñas ang 15-year-old. Siya ang ka-loveteam ni Bryan Homecillo sa Abt Ur Luv, siya si Monique Ledesma na loner student at laging nasa library.
Related sa mga Padilla si Jenna Estrella ng Batangas at lola niya ang unang gumanap na Valentina sa Darna movie na si Cristina Aragon. She’s 17 years old at talent niya’y singing, dancing and acting at malaki ang crush kay Piolo Pascual.
First cousin naman ni Bianca Reyes si Tanya Garcia. Kapatid ng mom niya ang father ng preggy actress at related din siya kay Mikee Cojuangco. Pang-drama raw siya’t madali siyang umiyak, kaya favorite niya ang Maging Sino Ka Man. Biggest crush nito si Sam Milby PBB days pa at crush din nito sina Jericho Rosales at Diether Ocampo. Confession ng 16 years old teener, ugly duckling at chubby siya when she was young.
Kikay si Krista Valle, high school graduate ng Colegio de San Agustin. She’s 16 at favorite ang Math, laging kasali sa extemporaneous contest at four years cheerleader. Blonde ang hair niya na ginawang black para magmukha siyang Asian.
Kombinasyon ng hiyas at jasmine flower ang name ni Hiyasmin Neri, 17 years old and second year Clothing Technology student ng UP. Both doctors sa St. Luke’s ang parents niya, pero ayaw niyang mag-doctor. Cardiologist ang dad niya at Pediatrician ang mother. Winner siya ng May Trabaho Ka reality show ng QTV 11.
Commercial model ang 15-year-old na si Jessy Mendiola nang ma-discover. Lebanese ang dad niya and she was born in the United Arab Emirates.
Si Isabelle Abiera, 14 years old ang tallest sa grupo at 5” 7 1/2. She’s half-American. Nag-cover na siya in almost all the glossy magazines in town at gumawa na rin ng TV commercial.
Caroline Riggs is 20 years old and the smallest at 5’3. She’s half-Swiss, born and raised in Thailand and a Bachelor of Science in Tourism graduate sa Iloilo, cum laude.