Angelica, di matanggap ang pagkatalo!
Inamin ni Angelica Jones na gusto niyang maging fair ang labanan kaya sa tulong ng abogadong si Atty. Ferdinand Topacio (kasama ni Mayor Lim sa programang Katapat sa Dos) ay naghain sila ng petisyon sa Comelec para sa declaration of failure of elections sa San Pablo City.
Tumakbong Board member ang aktres sa nasabing lalawigan noong nakaraang eleksyon. May mga ebidensya ang aktres at handang panindigan ang kanyang sinasabi tungkol sa pandarayang ginawa laban sa kanya.
May 122,000 registered voters sa San Pablo City at nakakuha siya ng 7,000 sa anim na bayan pero sa San Pablo mismo ay dun siya nalaglag. Sinabi rin nila na na-delay ang bilangan para alam daw kung ilan ang hahabulin ng kalaban kay Angie, iaapela nila ang pagkakaroon ng special election sa San Pablo sa Comelec dahil naapi ang aktres sa bilangan at naniniwalang may pandarayang naganap.
Sa kabilang banda, ngayong tapos na ang eleksyon at sakaling di mapagbigyan ang apela nina Angelica at Atty. Ferdinand ay nagko-concentrate na lang ito sa kanyang career.
“May pagkakaabalahan din po akong mga civic projects dahil meron naman akong foundation sa San Pablo City na tumutulong sa mga kapus palad.
Nagpanalo Sa Asawa
Masayang-masaya si Precious Hipolito, newscaster ng IBC 13 dahil nanalo uling konsehal ang kanyang asawang si Kon. Winston “Winnie” Castelo. Consistent topnotcher ito sa 2nd district ng Quezon City at tatlong ulit ding nahirang na Most Outstanding Councilor ng QC Press Club. Pero ayon sa magaling na konsehal ay lucky charm niya si Precious kaya lagi siyang topnotcher kung saan mahal din ng mga tao ang kanyang asawa. Maging ang kapatid ni Winnie na si Congresswoman Nanette Castelo-Daza ay nanalo rin kaya double victory ang ipinagdiwang sa pamilya ng dating aktres.
Tinalo Ang Kalaban Sa Dos
Tumaas ang rating ng Fantastikman noong nakaraang Sabado kung saan nakakuha ito ng 17.7% laban sa kalaban na mga pelikulang ipinalalabas sa Dos.
Masayang-masaya si Mark Herras bilang FM dahil sa rami ng malalaking sorpresang makakasama niya ngayong Hunyo kabilang na ang maraming villain na papasok sa fantaserye na may mga superpower din.
Ayon sa PM na si Cheryl Ching Sy nagbibigay na rin sila ng trivia questions sa mga manonood kung saan makakatanggap ng gift pack ang mananalong viewer.
Bryan, Dream Makasama Si Aga
Matagal na ring artista si Bryan Homecillo na miyembro ng Star Magic 15. Nagsimula itong mag-artista sa edad na siyam na taon at ngayon ay 15 years old na. Kasama siya sa All Abt Luv (New season) at kapareha ang kaibigang si Daphne Cortes.
Nakatrabaho na ni Bryan ang malalaking artista gaya nina Judy Ann Santos, Maricel Soriano at iba pa. Nagkamit na rin ito ng FAMAS Best Child Actor trophy at aktibong miyembro ng Repertory Phils. Kung saan ginampanan ang karakter ni Friedrich noong 2006 sa Sound of Music.
- Latest