Dahil kay John Prats, Rayver, stop na ang panliligaw kay Shaina

Hindi namin knows kung natuloy kahapon, Huwebes ang pagpapa-blotter ni Myka Bautis­ta, myembro ng Sex­bomb dancers sa pulis dahil may stalker siya at kung anu-ano ang pi­nagti-text sa kanya na ikinabahala ng pamilya niya.

Ayon sa manager ni Myka na si Joy Cancio ay ipapa-blotter daw nila ang taong nananakot at nagsasabing papatayin si Myka para sa pro­teksyon ng dalagita.

“Syempre, hindi ma­kapag-concentrate si Myka, ikaw ba naman ang makatanggap ng halos oras-oras ng ba­bala na mag-ingat siya dahil papata­yin siya?  Ano bang gi­nawa ni Myka para pag­bantaan siya?” paha­yag sa amin ni Joy sa ka­bilang linya.

At ire-report din daw nila sa National Tele­communications ang numero ng taong nagti-text sa dalagita.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang grupo dahil panalo sa ratings game ang pilot episode ng Tok, Tok, Tok Isang Mil­yon Pasok nung Linggo kasama si Paolo Be­diones.

* * *

Hindi pa namin na­kakausap sina Ray­ver Cruz at Shaina Mag­dayao kung toto­ong namatay na ang anak-anakan nilang si Rain (mini-pincher dog).

May nagpadala sa amin ng text message na nagsasabing, “Alam n’yo po ba, patay na si Rain, ‘yung regalong aso ni Rayver kay Shai­na kasi hindi naban­tayang mabuti, ni Shai­na kasi super busy siya.

“Nakakalungkot po kasi mahal na mahal ni Rayver si Rain, tapos namatay pa, ano po ka­ya ang meaning no’n?”

Aba’y ano naman kaya ang magiging meaning kung namatay man ang aso, e, sa na­matay, eh, sabi namin sa texter.

 At nakakaloka, sina­got kami ng, “Ibig pong sabihin ay dahil may John Prats si Shaina.”

Hala, may ganung isyu talaga?  Anyway, balita rin namin ay tila itinigil na raw ni Rayver ang panliligaw sa bun­song Magdayao, so meaning, trulili ang John at Shaina item? –Reggee Bonoan

Show comments