Kahit pansamantalang hiwalay sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto ay araw-araw pa rin silang nag-uusap, araw-araw ding dinadalaw ni Dennis ang kanyang mga anak na kasama ni Marjorie.
Patuloy ang panunuyo ni Dennis sa asawa na sila’y magkabalikan pero kung hindi na umano ito mangyayari, gusto niyang pasalamatan ang (dating) asawa sa 14 na taon nilang pagsasama at sa pagbibigay sa kanya ng magagandang anak.
“Isang mabuting asawa at ina si Marjorie and I thank her for that,” ani Dennis.
* * *
Kung masaya ngayon si Martin Nievera sa piling ni Katrina Ojeda at ng kanilang supling na si Santino Martin Nievera, masaya rin ang concert king para sa kanyang ex-wife na si Pops Fernandez dahil alam niyang masaya ito ngayon sa kanyang buhay.
Dumating si Martin sa Pilipinas kamakailan lang at isinama niya pabalik sa Las Vegas, Nevada ang kanyang second son na si Ram para magbakasyon. Hindi nakasama ang kanyang panganay na si Robin dahil meron itong mga commitments dito.
Sa kabila na matagal nang hiwalay sina Martin at Pops ay concern pa rin ang concert king sa kanyang dating misis. Open din umano ang kanilang komunikasyon sa isa’t isa lalo na pagdating sa kanilang dalawang anak.
“We’re the best of friends now,” bulalas ni Martin.
* * *
Personal: Belated happy birthday sa aking yumaong ama na si Bonifacio Amoyo nung May 26, sa aking kapatid na si Mely Amoyo nung May 30 at sa aking inang si Nanay Maling Amoyo nung May 30.
* * *
<a_amoyo@pimsi.net>