Sobrang tumal ngayon ng pelikulang Tagalog.
Papasok na ang third quarter of the year, pero iilan pa lang ang naipapalabas na Tagalog film.
Eleven films to be exact. Out of 11, 10 ang graded – Agent X-44, Batad: Sa Paang Palay, The Promise, U Got Me, Syquijor, Paraiso, Happy Heart, Monay ni Mr. Shooli, Ang Cute ng Ina Mo and Paano Kita Iibigin. Actually, ‘yan yung total number ng movie na ni-review ng Cinema Evaluation Board (CEB) na ang tatlo ay digital – Batad, Syquijor and Paraiso. At iisa pa lang ang nakakakuha ng grade A or 100% tax rebate, ang Batad (na hindi ko sure kung nagkaroon na ng commercial exhibition).
Eh lately, walang pelikulang hindi na-review ng CEB dahil nanghihinayang na nga ang mga producer sa rebate na mabibigay sa kanila.
A month ago pa ang last film na ni-review ng CEB, ang Paraiso, yung movie ng Gawad Kalinga na hindi pa nagkakaroon ng commercial exhibition dahil nauna itong ipalabas sa Amerika na balitang dinumog ng mga kababayan nating Pinoy doon. That was a month ago. At nasundan lang yun last Tuesday ng Paano Kita Iibigin starring Regine Velasquez and Piolo Pascual. Graded B ang Paano Kita Iibigin.
Sa 11 films, four ang sa Star Cinema and one sa Regal, one sa GMA and the rest independent producers.
So kung ganito rin kadalang ang pelikula sa dalawang natitirang quarter ng taon, hindi pa aabot sa 30 films ang magagawa this year.
Oh my! Sobrang alarming na ito. Baka next year, mas konti pa ang pelikula.
* * *
Mellow-drama ang pelikula at acting na acting sina Piolo Pascual at Regine Velasquez ang Paano Kita Iibigin. Ang dami nilang iyakan scene though merong light moments at ang importante ang dami nilang kissing scenes at isang love scene na first nila parehong ginawa.
Bagay kay Regine ang role na single mother na na-forced to stay sa isang resort matapos mabasag ng anak ang side mirror ng BMW motor ng may-ari (ng resort) na si Piolo na nung panahon na yun ay pasan ang mundo dahil sinisisi niya ang sarili sa aksidenteng nangyari sa kanila ng kanyang ‘asawa’ at pinsan at bestfriend nila.
Sa kanilang company party, he proposed sa girlfriend niya. Pero gusto agad niyang pakasal kaya nagpunta sila sa isang Pastor. Nakasal naman sila. Pero after ng seremonya dahil sa pare-pareho silang excited, nabangga ang sinasakyan nilang kotse at sa kanilang apat, siya lang ang nabuhay.
Siya ang sinisisi sa nangyari. Kaya nagka-windang-windang ang buhay niya.
Dun papasok sa buhay niya si Regine na napadpad sa resort na pag-aari ni Piolo dahil sa kanyang pinsan na nagpa-reserve sa nasabing resort na sa brochure ay ang maganda pero nang puntahan nila ay sila lang ang naka-check in.
First encounter ni Regine with Piolo, halikan agad sa dagat.
Anyway, parehong nagdrama ang dalawa.
Malamang nga mapansin na rin ang acting ni Regine sa pelikulang ito at makakalimutan mo ang tungkol kina Regine at Ogie Alcasid. Parang walang connection sa pelikula kung si Ogie ang boyfriend ni Regine. Sa Amerika naman kasi hindi kailangang ma-link ang mga artista para kumita ang pelikula.
Parehong favorite na artista ni Direk Joyce Bernal ang dalawa.
At parang walang sumemplang na pelikula si Direk Joyce na ang dalawa ang artista sa respective films.
At any rate, showing na starting yesterday ang Paano Kita Iibigin.
* * *
Sadly, umuwi ngang luhaan ang representative nating si Anna Theresa Licaros sa katatapos na Miss Universe na ginanap sa Mexico. At true enough nanalo siyang Miss Photogenic.
Too much publicity kaya siguro parating nauunsyami. Next time siguro manahimik muna para hindi rin ma-pressure ang kandidata para maging natural at unconscious sa ginagawa niya.
Kasi ang tendency, nakalagay na sa utak ng contestant na kailangan niyang manalo para sa Pilipino. Ang siste lang, conscious na siya sa ginagawa niya. Ang ending, pilit ang mga kilos kaya mas lalong hindi napapansin.
Where as kung natural dahil walang nagsasabi sa kanya na kailangan niyang ma-win, baka makatsamba pa siya.
Kahit ang dalawang Miss Universe candidates na may dugong Pinoy ay hindi rin nakasama – Miss Canada and Miss Norway.