Angel, pwedeng pakasalan

Sa presscon ng Angels sa episode na Daddy’s Angel ay kinulit-kulit ng mga press people si Marvin Agustin tungkol sa napapabalitang relas­yon nila ni Angel Loc­sin. Pero sinabi nitong talagang close lang sila bilang magkaibigan.

Katunayan, nang magtungo sila sa Bo­ra­cay noon ay binig­yan niya ng birthday party ang magandang ak­tres. Pero natawa ito nang sabihing inabot ito ng milyones gaya nang nabalita sa isang tabloid (hindi sa amin).

Saludo siya sa ka­baitan ng aktres at inaming girlfriend material ito dahil ma­ lam­bing at wife material din da­hil mabuti itong anak at mabait sa pamilya kaya tiyak nang magi­ging mabu­ting asawa at ina.

“Nakilala na siya ng pamilya ko at very proud ako sa kanya. Sinumang lalaking iibigin ni Angel ay maituturing na napaka­swerte.”

Gelli, balik-drama

Seksi at lalo pang gumanda si Gelli de Belen nang humarap sa press launch ng Impostora ng Channel 7.

Inamin nito na hindi niya natang­ gihan ang offer ng Siete na mag­balik sa drama dahil maganda ang teleser­ye kung saan gina­gampanan nito ang papel ng ina ng kam­bal-tukong anak na si Iza Cal­zado.

“Nagpaalam na­man ako sa aking asawa at mga anak at tinanong kung gusto nila akong ma­panood sa drama. Siyem­pre very happy naman sila at very supportive si Ariel sa akin,” ani Gelli.

Naniniwala rin ang aktres na mapipiga uli siya sa pag-arte ni Direk Maryo J. delos Reyes. Kung mata­tandaan, ang kan­yang award-winning movie na nagbigay sa kanya ng ta­gum­pay ay sa direksyon ni Maryo J.

Noong nakaraang birthday nito (Mayo 25) ay nag-bonding lang silang magpamilya kung saan nagkaroon ng kainan.

Show comments