Pacquiao, sa poker nahihilig
Magpapalipas daw muna ng sama ng loob dahil sa pagkatalo niya nung nakaraang eleksyon si Manny Pacquiao. Pero bago siya umalis ay tumutok muna siya sa poker, magaling daw palang mag-poker si Pacman, hindi lang pala sa boksing siya magaling.
Pero bago pa mag-isip ang marami na nalululong sa sugal ang People’s Champion ay naging maagap na sa pagpapaliwanag si Colonel Wally Sombrero, ang tinaguriang Poker King ng Pilipinas, na naka-partner ni Manny sa isang kumpetisyon.
Ayon kay Colonel Wally, ang poker daw ay hindi na itinuturing na sugal sa Amerika, kundi isang mind game. Dahil sa sunud-sunod na tagumpay ni Pacman sa boksing, maraming bumibilib sa kanya, kung nabigyan lang daw ng pagkakataong makapag-aral
“Poker is no longer considered as gambling in the States, it’s more of a mind game, may common sense si Manny, matalino siya,” pagtutuwid ni Tito Wally.
* * *
Kahit matindi ang buhos ng ulan nung Martes nang hapon ay dinumog pa rin ng manonood ang premiere night ng pelikulang Paano Kita Iibigin na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Regine Velasquez.
Ayon sa kaibigan naming Vilmanian na si Obet Sapin ay maganda raw ang kabuuan ng pelikula, pang-award daw ang ipinakitang pagganap nina Regine at Piolo, pero sa dami raw ng kissing scenes ng mga bida ay pinalitan na nila ang titulo nito ng Paano Kita Lalaplapin at hindi na Paano Kita Iibigin.
Ayaw pumayag ni Obet na pakilig na pelikula lang ito, may lalim daw ang pagganap nina Piolo at Regine, hindi nakapanghihinayang panoorin dahil marespeto sa manonood ang pelikula kung ang kalidad nito ang pag-uusapan.
Kahapon ang unang araw ng pagpapalabas ng pelikula, hindi na namin kailangan pang makatanggap ng tawag mula sa Star Cinema tungkol sa tagumpay nito sa takilya, matagal na namin inaasahang magiging blockbuster ang Paano Kita Iibigin.
* * *
Nilinaw ni Konsehal Lala Sotto na walang katotohanan ang umiikot na balitang nagdadalantao ang bunso niyang kapatid na si Ciara, ang dahilan ng pag-alis ng batang actress-singer papuntang Amerika ay ang nalalapit nitong series of shows sa
“Alam n’yo naman siguro na hindi naman basta sumasalang na lang dun ang mga Pinoy entertainers, mahabang rehearsal muna ang kailangan, kaya umalis sila ng mommy ko nung April 18.
“She’s not pregnant, of course! Hindi rin po hiwalay ang daddy at mommy ko, hiwalay lang sila physically ngayon dahil si mommy ang nakatutok kay Ciara sa States,” paglilinaw ni Konsehal Lala.
Ipinagtanggol din ng konsehal ng District 3 ng Kyusi ang kanyang kontrobersyal na kapwa konsehal at kaibigang si Aiko Melendez Jickain ng District 2, wala raw karapatan ang kahit sinong pulitiko na husgahan ang aktres-pulitiko, dahil kilalang-kilala niya ito.
“Magaling siyang public servant, mabuti siyang tao, wala silang karapatang husgahan si Aiko. Nakikita ko kung gaano niya pinahahalagahan ang pagiging konsehal niya, kaya wala na sanang personalan, tutal tapos na naman ang eleksiyon,” pakiusap pa ni Konsehal Lala Sotto.
- Latest