Muling nagbabalik ang Seiko Films sa paggawa ng mga pelikulang seksi sa pamamagitan ng Silip, isang sex-drama-thriller na nagtatampok sa mga Seiko Jewels na sina Diana Zubiri at Francine Prieto, katambal ang isa sa ipinagmamalaking hunk ng local cinema, si Polo Ravales dahilan siguro na first time niyang gumanap sa maiinit na lovescenes at first time din na magpakita ng pwet ay hindi naman nagmaramot na magtanggal ng kanyang briefs pero, nagpalagay ng plaster para matakpan ang kanyang pinaka-private part.
“Okay lang yung mga eksena namin, ang pinaka-mahirap lang ay yung kinunan sa Bongabong, Nueva Ecija na kung saan ay tumakbo kami ng hubo’t hubad ni Francine. Alas dose yun ng tanghali pero, kahit ipinagbawal ang mga tao, lahat ng paraan ay ginawa nila para sila makapagtago at masilip nila kami. Nagulat na lang kami nang makita namin na maraming mga lalaki ang nakadapa sa damuhan. Kahit nagmumura na si direk, talagang di sila napaalis,” kwento ni Diana.
Palabas na ang Silip ngayong June 6.
* * *
Palabas simula kahapon, Mayo 30 hanggang June 5, sa Robinson’s Galleria, ang isang Indie Film na pinamagatang Metlogs (short for Metrosexual jolog).
Tampok sina Paolo Ballesteros, Marky Lopez at Tyrone Perez bilang 3 probinsyano na iniwan ang kanilang lugar para makahanap ng magandang buhay sa Maynila.
Ang Metlogs na nasa direksyon ni Cris Pablo (Duda, Barhouse at Pitong Dalagita ay isa sa pitong pelikula na prodyus para sa Cinema One Originals 2006 at nakakuha ng parangal para sa Best Digital Movie.
* * *
veronicasamio@yahoo.com