^

PSN Showbiz

Mga seksing aktor ni Iza

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Gusto ni Iza Calzado na gumawa ng drama kaya happy ito sa pag­dating ng Impostora. Except for Encantadia na malapit sa puso niya, mas feel niyang mag-drama at matutupad ito sa bagong teledrama ng GMA-7. May emotional attachment sa kanila nina Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri ang Encantadia and up to now, pag may free time, lumalabas pa rin sila.

Kahit sila lang ni Sun­shine ang magka­sama sa Impostora, masaya na rin si Iza at umaasa siyang maka­ka­tagpo ng mga bagong kaibigan sa teledrama. First time niya to work with direk Maryo J. delos Reyes na kina­takutan niya noong una, pero mabait pala.

Samantala, wala na­man sigurong girlfriends o asawa na magagalit kay Iza sa mga binang­git nitong actors na sexy para sa kanya. Kasama sa listahan niya sina Richard Gomez, Piolo Pascual, Ogie Alcasid, Mark Anthony Fernan­dez at Robin Padilla.

“Si Richard, tingnan mo pa lang, sexy na ang dating. Si Mark because of his eyes na malakas ang appeal at si Ogie, sexy because of is wit, his sense of humor,” paliwanag nito.

* * *

Isang big Hollywood movie ang makakatapat ng showing ng Tiya­nak sa July 4, pero tiwala ang Regal kay Rica Peralejo na masa­sabayan nila ang lakas sa takilya ng Hollywood movie. Talagang naka­katakot ang new version ng horror movie dahil tatlo ang tiyanak dito, represented ang air, water and land, kaya may tiyanak na lumilipad, sumisisid at naglalakad.

Six horror movies na ang nagawa ni Rica at ayaw niyang i-compare ang mga ‘yun dito sa Tiyanak dahil iba-iba ang istorya. Nilinaw din nitong hindi sequel ng original Tiyanak ang ginawa nila, pero times three na nakakatakot.

* * *

 ‘Katuwang tingnan habang pinagpapa­wisan at uneasy si Sam Milby habang sunud-sunod ang tanong ng press tungkol sa virginity. Bagets pa siya when he lost his virginity, pero ayaw sabihin ang exact date. Nang ayaw siyang tigilan, nag-dialogue ng “Let’s go away from the topic.” Ha-ha-ha!

Birthday ni Sam noong May 23 at isa sa mga tanong ay kung bakit wala pa rin siyang ma­ ipakilalang girlfriend? Ang sagot nito sa Tagalog ay “Baka hindi pa ako nakaka­hanap ng ta­mang babae para sa akin.”

Sa sinabing ito ni Sam, lu­mabas na wa­lang katoto­hanan ang tsis­mis sa ka­nila ni Anne Curtis dahil hindi niya idi-deny ang actress kung talagang girlfriend niya ito. Ang inamin nito’y very close silang dalawa at sa birthday niya, niregaluhan siya nito ng Paul Smith shoes.

Maluwag ang schedule ni Sam ngayon after mag-end ang Maging Sino Ka Man, pero sa mga susunod na buwan, magiging busy na naman siya. May new movie siya at may Book 2 ang MSKM, gagawa ng second album at marami pang raket, kasama ang show nila sa London for TFC with Sheryn Regis.

* * *

Sabi ni Gelli de Belen sa presscon ng Impostora, tinanggap niya ang project dahil kay direk Maryo J. delos Reyes, ganda ng project. Chance na rin niyang mapasama sa tele-drama na kahit nahirapan siya sa taping ay nag-enjoy pa rin siya.

Ginagampanan ni Gelli ang role ni Adelle Carreon, ina ng kambal at asawa ni Henry na ginagampanan naman ni Romnick Sarmenta. Maiksi man ang partisipasyon nila dahil ang actor ay two days lang nag-taping at si Gelli ay two weeks, pero malaki pa rin ang papel nila sa tele-drama. Gustung-gusto naming isulat kung ano ang mangyayari sa character ni Gelli, pero bawal pa at sa June 4 pa nga naman ang pilot ng Impostora.

Kasama sa cast si Gary Estrada sa role ni Delfin Carreon, asawa ni Betty (Jean Garcia). Hindi namin nausisa sa third na pagbubuntis ng asawang si Bernadette at sa muling pagkatalo sa pagkandidatong mayor sa San Antonio, Quezon.

 

 

vuukle comment

ADELLE CARREON

GELLI

IMPOSTORA

MARYO J

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with