Sa May 31 na pala ang balik ni Billy Crawford sa bansa mula sa Los Angeles. Kasama raw niyang darating ang kanyang choreographer, si Maryss, na siyang makakatulong niya sa paghahanap ng mga gagamitin niyang back-up dancers sa concert niya sa Araneta Coliseum sa August, 2007.
Isang reality dance show, titled Move na magsisimula sa GMA-7 sa June 3 at ididirek ni Rommel Gacho, pagkatapos ng SOP. Eight weeks tatagal ang contest at anim na back-up dancers ang mananalo rito. Who knows, baka magkaroon sila ng swerte na magustuhan sila ni Billy at isama na rin sila pagbalik sa States at gawin na silang back-up dancers sa mga shows niya roon and sa Europe.
* * *
Masipag na masipag sa pagpu-promote sina Regine Velasquez at Piolo Pascual ng movie nilang Paano Kita Iibigin? ng Star Cinema sa mga shows ng GMA-7 at sa ABS-CBN dahil malapit na ang playdate nito, sa May 30. Nag-guest na si Piolo sa Startalk, Pinoy Pop Superstar, Walang Tulugan, Showbiz Central, at bukas, dedicated sa kanilang dalawa ang SiS, at kakanta sila ng kani-kanilang mga hit songs plus kakantahin nila ang theme song ng kanilang movie na dinirek ni Bb. Joyce Bernal.
* * *
Nagsi-celebrate ng kanilang second anniversary ang sikat na bandang Cueshe. Last Saturday, nagbigay sila ng free fans day sa entertainment activity center ng SM North EDSA. Hindi lamang nila inalayan ng kanilang mga songs ang mga fans, may pa-raffle pa sila at give-aways. Ang Cueshe ay binubuo nina Jay Justiniani (vocalist), Ruben Caballero (vocals, guitar), Jovan Mabini (lead guitar), Jhunjie Dosdos (keyboards), Fritz Labrado (bassist, songwriter) at Mike Manaloto (drummer, songwriter).
Nang makausap namin si Jay, dininay niya ang balitang sila na ng sexy star na si Aliya Martel. Totoo raw na may mga shows si Aliya na pinu-produce na sila ang guest pero wala silang relasyon. Friends din daw lamang sila ni Yasmien Kurdi at huwag daw silang i-link sa isa’t isa dahil nahihiya siya kay Yasmien.
Nag-gold na ang second album nilang “Back to Me,” at malamang mawala rin muna sila sa bansa para pagbigyan ang request sa kanilang mag-show sa USA at sa Europe. Ang lakas daw ng demand sa kanila sa Rome, pero uunahin nila ang USA at sa July at August, may concert tour sila sa 8 cities doon. By September or October, baka lumabas na ang kanilang third album mula pa rin sa Sony BMG Records.