Ngitngit pa sa langub

Sa unang dinig ng “Kumanta Ka Pilipino!” album ng I.M.D.J. (Am Da Juan), ay maaalala noong magsimula sina Joey Ayala at ang Bagong Lumad. Ang musika kasi ng IMDJ, katunog ng kina Joey. Pati ang ibang tema ng mga kanta ng bagong grupo, tila Bagong Lu­mad din.

Kaya lang higit na kontemporaryo ang dating nina Mon DJ at ng kanyang banda. Masasabi rin na mas commercial ang IMDJ dahil higit na nakabaling sa mga kanta ng pag-ibig, bukod sa pagka­ma­kabayan ang kani­lang unang album mula sa Ballyhoo Records.

Ang unang single sa album, “Kumanta Ka, Pilipino Ka,” mukhang ma­giging pop classic, tulad ng pangarap ng grupo na makalikha ng kantang aawitin ng mga Pinoy sa matagal na panahon. Makabuluhan din ang mga titik ng kan­ta at malumanay o swa­be ang dating sa tenga.

Isang kanta sa al­bum, “Itext Mo Na Lang” ay may upbeat tempo at catchy lyrics na maaring sabayan ng mga ka­bataan ngayon.

Ang “Salamat Kai­bigan” ay sentimyen­tong Pinoy na totoong-totoo sa ating husay sa pakikisama.

Lahat ng nabanggit na awitin ay kinanta ni Mon DJ. Ang “Ikaw La­mang” na tipong eth­nic-bossa nova ay ang kai­sa-isang miyembro ng ban­dang si Gems V ang kumanta. Hitbound ang number na ito, lalo pa’t higit na napaghusay ang mixing at mastering.

Ang iba pang myem­bro ng IMDJ ay sina Carlo Valencirina (elec­­tric guitar), Jobert Blanas (acoustic gui­tar), Ryan Barron (bass) at Aristotle Roxas (drums, percus­sion). Lahat sila meron mga propesyonal na trabaho bukod sa hilig sa  musika.

Si Mon DJ, isang arkitekto at mahigit na 300 structures na ang kasama siya sa pagta­tayo. Ibig sabihin mga matataas na gusali, mga malalaking bahay kasa­ma ang mga mansion ang nagawan na niya ng plano at naipatayo.

Si Gems na com­poser din tulad ni Mon DJ, isang dentista na may sariling klinika. Tuloy ang pagtanggap niya ng mga pasyente habang tuloy din ang pakanta at pagtugtog niya sa IMDJ.

Sina Carlo, Ryan at Aris, mga graphic de­signers naman. Si Jo­bert na pinaka­bagong myem­bro ng grupo, isang computer techni­cian.

Kung gusto ninyong malaman pa ng husto ang tungkol sa IMDJ, log on to their official web­site, www.imdj­music.­com.

Abangan din ang pro­mo tour ng banda sa  mga piling SM malls sa Metro Manila.

* * *

Si Francine Prieto, nahihiya pang sulyapan ang harapan ni Polo Ra­vales habang gina­ga­wa nila ang Silip na di­nirek ni Joel Lama­ngan para sa Seiko Films.

Pero na-imagine niya kung paano ang itsura ni Polo kung hindi nag-plaster habang tu­ma­takbo ng hubad sa isang eksena sa Silip.

“Nakakatawa tiyak ang ayos noon habang nagtatatakbo siya,” di mapigil ang pagha­lak­hak ni Francine.

Maging si Diana Zu­biri ay natatawa na rin kung pinapantasya ang isang Polo Ravales na tumatakbong hubad.

May premiere night ang Silip sa SM Me­gamall Cinema 10, Hun­yo 4, alas-8 ng gabi.

Show comments