Uy congratulations sa Ang Pinaka…hosted by Pia Guanio sa QTV 11 dahil sila ang nagwagi ng Silver Screen Award sa US International Film and Video Festival.
Ang iba pang winners sa nasabing festival na programa sa GMA 7 are I-Witness and Art Angel.
Gaganapin ang ceremony sa June 2, Saturday sa Renaissance Hotel, Hollywood, California.
Supposedly ay aalis ang representative ng mga nanalong show sa June 1.
Kasama sa mga aalis sana ay sina Pia Guanio, Pia Arcanghel, Kara David and two executive producers ng mga nanalong shows. Pero as of press time, wala pang official representative. And definitely, hindi raw kasama sa entourage si Pia Guanio dahil marami itong ginagawa. Isa kasi si Pia sa in demand ng host ng GMA 7 kaya naman ang dami-daming nang-iintriga sa kanya. Pero dedma na lang daw si Pia.
* * *
Impressive ang trailer ng pelikulang Silip. Looks like, hindi siya ordinary movie na basta lang hubaran. Though maraming sexy scenes sina Diana Zubiri and Francine Prieto and for the first time si Polo Ravales na napapayag na mag-bare sa pelikulang ito, parang suspense at sabi nga ni Direk Joel Lamangan hindi lang ito basta pelikulang tungkol sa mga mahilig na manilip na nagkakaroon ng kuliti sa mata. Tungkol daw ang pelikula sa isang tao na isolated sa isang lugar na pinag-aralan ang contrary din sa report, hindi art ang film ang Silip. Marami kasing nagsasabi na art film ang bagong obra ni Direk Lamangan dahil siya mismo ang nagsulat ng pelikula.
Na-explain din ni Direk, na pareho man ang location nila sa pelikulang Sidhi noon nina Nora Aunor, Glydel Mercado and Albert Martinez (Nueva Ecija), sa location na ginamit nila sa Silip, hindi naman pareho ang mga eksena.
Kilala si Direk Joel sa pagiging strict sa paggawa ng pelikula. Pero wala raw siyang naging problema sa tatlong artista niya rito – Diana, Francine and Polo. In fact, sabi pa nga ni Direk Joel malamang na mapansin ang acting ng tatlo niyang artista rito like what happened to Glydel Mercado na nag-grand slam as best supporting actress nang gawin nito ang Sidhi.
Anyway, grabe kung nami-miss n’yo na ang sexy films na may taste na matagal-tagal na rin nawawala sa eksena, sa pagbalik ng Seiko Films sa eksena, maraming nagsasabi na babalik ang genre ng sexy films.
In fairness kay Polo, grabe ang ginawa niyang preparation sa pelikulang ito. Madalas ko siyang makita sa gym para ma-perfect lalo na ang kanyang abs. Sulit naman daw at nag-expose daw ang actor ng butt niya. Meron daw itong lalabas na nude photo though back ang nakalabas – hindi frontal na pinanghihinyangan ng maraming bading.
At any rate, showing na sa June ang Silip.
* * *
Incomparable naman daw ang bagong show ni Sunshine Dizon sa Hiram Na Mukha ni Heart Evangelista sa ABS-CBN na up to now ay napapanood pa. Eh kasi meron ding prosthetic ang character ni Iza Calzado na parang Hiram Sa Mukha. Pero say ng production ng Impostora, malayo ang kuwento nito na nagkaroon ng launching the other night.
At si Mark Anthony na napapanood sa Super Inggo ay back to GMA 7 at habang si Luis Alandy na dati ring taga-ABS-CBN ay kasama na sa Impostora.
Say ni Luis, in a way ay naga-adjust pa siya dahil from the start naman talaga ay Kapamilya siya.
Kambal-tuko ang role dito nina Iza and Sunshine. At nang eight years old na sila ay nag-decide ang magulang nilang paghiwalayin sila. Pero hindi naging maganda ang kapalaran nila after na gawin yun.
Mag-start mapanood on GMA 7 ang Impostora sa June 4. Part ang launching ng 57th anniversary offering ng Kapuso Network.
Ang batikang direktor na si Maryo J. delos Reyes ang nagha-handle ng Impostora.
* * *
Magkakaroon ng repeat ang Singing Writers Night – Singing Writers Night Part 2: The Salinawit Edition sa Conspiracy Bar Café, 56 Visayas Avenue on Tuesday, May 29, 9:00 p.m.
Kakanta ang mga writers na sina Pete Lacaba, Marne Kilates, Charlson Ong and Mike Coroza ng kanilang sariling Salinawit.
Also featuring salinawit by Becky Anonuevo and by National Artist Bien Lumbera, Levi Celerio and Rolando Tinio. Open ang mike after second set around midnight.