^

PSN Showbiz

Show ni Pia nanalo sa international film and video festival

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Uy congratulations sa Ang Pinaka…hosted by Pia Guanio sa QTV 11 da­hil sila ang nag­wagi ng Silver Screen Award sa US Inter­national Film and Vi­deo Festival.

Ang iba pang win­ners sa nasabing fes­ti­val na programa sa GMA 7 are I-Witness and Art Angel.

Gaganapin ang cere­mony sa June 2, Sat­urday sa Renaissance Hotel, Hollywood, Calif­ornia.

Supposedly ay aalis ang representative ng mga nanalong show sa June 1.

Kasama sa mga aalis sana ay sina Pia Guanio, Pia Arcanghel, Kara David and two executive producers ng mga nanalong shows. Pero as of press time, wala pang official repre­sentative. And definitely, hindi raw kasama sa entourage si Pia Guanio dahil marami itong gina­gawa. Isa kasi si Pia sa in demand ng host ng GMA 7 kaya naman ang dami-daming nang-iintriga sa kanya. Pero dedma na lang daw si Pia.

* * *

Impressive ang trail­er ng pelikulang Silip. Looks like, hindi siya ordinary movie na basta lang hubaran. Though maraming sexy scenes sina Diana Zubiri and Francine Prieto and for the first time si Polo Ravales na napapayag na mag-bare sa peliku­lang ito, parang sus­pense at sabi nga ni Direk Joel Lamangan hindi lang ito basta pelikulang tungkol sa mga mahilig na manilip na nagkakaroon ng kuliti sa mata. Tungkol daw ang pelikula sa isang tao na isolated sa isang lugar na pinag-aralan ang  contrary din sa report, hindi art ang film ang Silip. Marami kasing nagsasabi na art film ang bagong obra ni Direk Lamangan dahil siya mismo ang nagsu­lat ng pelikula.

Na-explain din ni Direk, na pareho man ang location nila sa peli­kulang Sidhi noon nina Nora Aunor, Glydel Mercado and Albert Martinez (Nueva Ecija), sa location na ginamit nila sa Silip, hindi na­man pareho ang mga eksena.

Kilala si Direk Joel sa pagiging strict sa pag­gawa ng pelikula. Pero wala raw siyang naging problema sa tatlong artista niya rito – Diana, Francine and Polo. In fact, sabi pa nga ni Direk Joel malamang na mapansin ang acting ng tatlo niyang artista rito like what happened to Glydel Mercado na nag-grand slam as best supporting actress nang gawin nito ang Sidhi.

Anyway, grabe kung nami-miss n’yo na ang sexy films na may taste na matagal-tagal na rin nawawala sa eksena, sa pagbalik ng Seiko Films sa eksena, mara­ming nagsasabi na ba­ba­lik ang genre ng sexy films.

In fairness kay Polo, grabe ang ginawa ni­yang preparation sa pelikulang ito. Madalas ko siyang makita sa gym para ma-perfect lalo na ang kanyang abs. Sulit naman daw at nag-expose daw ang actor ng butt niya. Meron daw itong lalabas na nude photo though back ang nakalabas – hindi frontal na pinanghihinyangan ng maraming bading.

At any rate, showing na sa June  ang Silip.

* * *

Incomparable na­man daw ang bagong show ni Sunshine Di­zon sa Hiram Na Muk­ha ni Heart Evangelista sa ABS-CBN na up to now ay napapanood pa. Eh kasi meron ding prosthetic ang character ni Iza Calzado na pa­rang Hiram Sa Mukha. Pero say ng production ng Impostora, malayo ang kuwento nito na nagkaroon ng launching the other night.

At si Mark Anthony na napapanood sa Su­per Inggo ay back to GMA 7 at habang si Luis Alandy na dati ring taga-ABS-CBN ay ka­sama na sa Im­postora.

Say ni Luis, in a way ay naga-adjust pa siya dahil from the start naman talaga ay Ka­pa­milya siya.

Kambal-tuko ang role dito nina Iza and Sunshine. At nang eight years old na sila ay nag-decide ang magulang nilang paghiwalayin sila. Pero hindi naging ma­ganda ang kapalaran nila after na gawin yun.

Mag-start mapanood on GMA 7 ang Impos­tora sa June 4. Part ang launching ng 57th anni­versary offering ng Kapuso Network.

Ang batikang direk­tor na si Maryo J. delos Reyes ang nagha-handle ng Impostora.

* * *

Magkakaroon ng repeat ang Singing Writ­ers Night – Singing Writ­ers Night Part 2: The Sa­linawit Edition sa Cons­piracy Bar Café, 56 Vi­sa­yas Avenue on Tues­day, May 29, 9:00 p.m.

Kakanta ang mga writers na sina Pete Lacaba, Marne Kilates, Charlson Ong and Mike Coroza ng kanilang sariling Salinawit.

Also featuring sali­nawit by Becky Ano­nuevo and by National Artist Bien Lumbera, Levi Celerio and Ro­lando Tinio. Open ang mike after second set around midnight.

DIREK JOEL

PERO

PIA GUANIO

SHY

SILIP

SINGING WRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with