Ang baguhang si PJ Valerio naman ang inaaway ng mga fans ni Rhian

Nababaliw kami sa mga e-mail na nata­tanggap namin mula na naman sa loyal fans ng starlet na si Rhian Ra­mos dahil after ni­lang away-awayin sina Ara Mina at Ales­san­dra de Rossi ay heto, may bago na na­man silang pabori­tong pulu­tan sa email, ang ex-Star Circle na si PJ Va­lerio.

Naaliw kami dahil bu­kod sa e-mail ng fans ni Rhian ay may nage-email din sa amin mula na­man sa kam­po ni PJ para ituwid ang mga isyu ng kampo ng dala­gita.

Nag-umpisa yata ang pagdi-deny ni Rhian nung may nag­sulat na nag-date sila ni PJ sa Aya­la Alabang Town Center at nanood ng Ghost Rider nung Feb­ruary 20.

Super-deny daw si Rhian ka­sama na rin ang kampo niya na hin­di raw totoo dahil mga fans daw ang ka­sama para pag-usapan ang fans day at bigla na lang daw sumipot si PJ sa Star­bucks, pero base naman sa pada­lang e-mail sa amin ng kampo ng binata ay sa UCC Viena Coffee Shop sila tumambay habang hini­hintay ang pagdating ni Rhian na na-late ng 20 minutes.

Ayon pa sa kampo ni PJ ay walang malis­ya ang pagkukwento ni PJ na nakasama ni­yang manood si Rhian ng sine, bakit naman daw super-react ang dala­gita, may pinopro­tek­tahan daw ba si­yang boyfriend?

Anyway, sinuman ang nagsasabi ng totoo sa magkabilang kampo nina PJ at Rhian ay read­ers na ang hu­hus­ga, pero sa ganang amin ay bakit every­time na may ganitong gusot o isyu si Rhian ay mega-email kaagad ang fans niya para i-deny anu­man ang nang­yari?   –REGGEE BONOAN

 

Show comments