Ian, iritado sa balita kay Nora

Iritado si Ian de Leon  sa pasimuno ng balitang nagpakasal ang inang si Nora Au­nor sa man­ager nitong si Norie Sa­yo. Hindi ito nanini­wa­lang may ka­sa­lang na­ga­nap at na­kiusap na pa­ta­himikin na ang ina. Lu­mayo na raw ito, pero ginugulo pa rin.

“Walang kuwentang istorya ‘yun, disres­pect­ful. Handa ko si­yang ipag­tanggol. Laid-back na ang bu­hay niya sa States, she’s happy at tu­maba pa nga,” wika nito.

Muling magkikita ang mag-ina dahil gusto raw ni Guy na muling maka­sama ang anak sa se­cond leg ng shows niya sa States. Sche­dule lang ni Ian ang ma­giging proble­ma da­hil after Super Twins, ka­sa­ma siya sa Shaider ng GMA-7 pa rin and by that time, nagti-taping na siya.

* * *

Nakita sa ABS-CBN compound si Red­ford White noong isang araw at sabi’y kasama ito sa bagong sitcom ng network. Nai­sip nang na­kakita sa kan­­ya na may kinala­man sa bali­tang nalala­pit na pagka­wala ng Dad­dy Di Do Du ang paglipat ng co­me­­dian sa Dos.

Nabasa namin ang interview kay Vic Sotto a few weeks ago at ipinaalam nitong baba­guhin na ang pinag­bi­bidahang sitcom. Hindi iri-reformat ang sitcom, kundi papalitan ng ba­gong show at ‘di na ito nag-elaborate. Either hin­di na-absorb sa ba­gong show na ipapalit sa DDDD si Redford at kung kasa­ma pa rin, baka gusto lang madag­dagan ang regular show at sa Dos naman para balanse. --NITZ MIRALLES

 

 

 

Show comments