Yasmien, never magpo-pose sa men’s mag

Ilan na ang aming naringgan ng salitang hinding-hindi sila mag­­ po-pose sa men’s mag­­azine na hindi naman natupad.

Sa presscon ng Sine Novela Pre­sents ay ito ang na­ging pam­bungad na katanungan namin kay Yasmien Kurdi na siyang bi­dang ka­rakter sa ko­miks ma­terial na Pati Ba Pin­tig Ng Puso.

Ang kanyang wika: “Hindi po siguro mang­yayari yan. Ba­wal po yan sa Iglesia namin at ayoko rin po.”

Kahit na artistiko ang gagawing pag­kuha sa iyo?

“Kahit na po dahil ganoon din ang la­ bas noon. Daring at sexy  pa  rin  at  ma­rami po akong male friends na nakikita kong iba ang tingin sa nagpo-pose ng super sexy.

Bweno, tingnan na­tin kung hanggang ka­ilan mapapa­ nindigan ni Yas­mien ang kan­yang mga bi­nitiwang salita. Baka bukas ma­kala­wa ay siya na ang ta­tam­bad sa ating mga mata sa mga pa­hina ng men’s mag­azine.

Inamin din ni Yas­mien na may nag-alok na sa kanyang mag-pose pero, hindi siya na­kum­binse.

Ang karakter ni Yas­mien sa Pati Ba Pintig Ng Puso ay ang role na gina­gampanan ni Sha­ron Cuneta sa peli­kula. Tigilan na ang pag­hahambing dahil baka paslit o di pa ipina­nganganak si Yas­mien nang gawin ng Viva ang nasabing nobela. At saka isa pa, pang-telebisyon ito at ang ka-back-to-back ay ang Sina­samba Kita na ha­ngo rin sa komiks.

Ang kwen­­ to ay tung­­kol sa isang pag-iibi­gang nagsi­mu­la sa pagku­kun­wari para makuha ang ni­nanais na kala­yaan mula sa maka­pang­yarihan at maka-sa­riling ninuno.

Papel ni Jenna, isang katulong na iibig sa apo ng kanyang amo ang bibigyang buhay ni Yasmien. Si JC de Vera ang apong si Aldrin na sa peli­kula, ay si Gabby Concep­cion ang lumabas.

Kasama rin sina Karel Marquez, Mar­­co Alcaraz, Arci Mu­ñoz, Kier Legaspi, Chynna Ortaleza at sa direk­syon ni Gil Tejada. – REMY UMEREZ

 

Show comments