Bias rankings

Sa isang launch cum presscon na ginanap sa Studio 3 ng GMA Net­work Center, isa-isang umawit ng kani-kanilang winning song ang 9 grand finalists na sina Joyce Tañaña ng Pam­panga; Jennie Escala­da ng Navotas; Marvin Gagarin ng Nueva Ecija; Maricris Garcia ng Caloocan City; Mi­guel Naranjilla ng Mala­bon City; Bryan Ter­mulo ng Bulacan; Louie Abaigar ng Olongapo City; April delos Santos ng Pam­panga at ang World Challenger na si Jae Buen­suceso mula sa San Francisco, Califor­nia, at siyempre pa, may kani-kaniyang bet ang mga kasama naming enter­tainment press, kaya tinanong namin sila kung sa palagay ba nila, sino ang mahigpit nilang makakalaban.

Halos iisa ang isina­got nila, si Maricris o si Bryan, pero mas mara­mi ang nagsa­bing si Maricris talaga ang mahigpit nilang maka­ka­laban. Well, mag­­di-depend pa rin ang mananalo kung gaano sila kahusay mag-per­form sa Grand Show­down na gagana­pin sa Araneta Coliseum sa June 2.

* * *

Parating nasa bansa si Billy Crawford para sa kanyang reality-dance show na siya rin ang magho-host, ang Move, sa GMA-7.  Sa pa­­ma­magitan ng Move, kukunin doon ni Billy ang magiging back-up dancers niya sa da­ra­ting niyang concert sa Ara­neta Coliseum sa Aug­ust, 2007. Kasalu­kuyan nang ginagawa ang audi­tion ng mga intere­sadong mag-join sa show. Magsisimula ang reality-dance show sa June 3, pagkatapos ng SOP at bago ang Magic Kamison.

* * *

Tinanggap ng Star Magic ang claim ng TAPE, Inc. na hindi nila pwedeng payagang mai-launch sa Batch 15 ng Star Magic sa May 29 ang 2006 Mr. Pogi winner na si Edgar Al­lan Guzman, dahil may existing contract pa ito sa kanila. Tinanggap daw lamang nila na mag-audition si Edgar Allan sa Batch 15, dahil may ipinakita itong ter­mination paper. Hindi nila alam na ang termi­nation paper ay para la­mang pala sa Eat Bula­ga dahil nag-expire na ang one-year con­tract nito sa noon­time show, pero ang mana­gerial contract niya sa TAPE, Inc. ay tatagal pa hang­gang 2008 kaya hindi siya pwedeng mag-sign ng contract sa ibang mana­gerial company.

* * *

Ngayong na-prok­la­ma nang bagong Ba­tan­gas Governor si Lipa Ci­ty Mayor Vilma San­tos, magawa pa kaya ni­yang bumalik sa show­­biz?  Balitang may ga­gawin silang movie nina Su­san Roces, Kris Aqui­no at Kim Chiu sa Star Cinema pero maraming nagdu­duda kung uuna­hin pa ito ni Ate Vi dahil hindi isang bayan la­mang ang kanyang aa­sika­suhin ngayon kundi la­hat na ng bayan sa Ba­tangas. Sa ngayon, nag­hihintay raw si Ate Vi ng balita sa bagong bahay nila sa Ayala Ala­bang para sa asawa niyang si Sen. Ralph Recto dahil hindi pa na­tatapos ang bilangan ng Comelec para sa mga sena­toria­bles.

Show comments