Parang walang nakikita sina Dennis Trillo at Gabby Eigenmann habang nagbibihis sa harap nila si Alessandra de Rossi sa taping ng Super Twins. Ang actress lang ang makakagawa noon, pero wala rin namang masisilip sa kanya’t suot nito under her Nickelina costume ang denim shorts at t-shirt.
Madaldal si Alex, pero biglang natahimik nang usisain kung totoong nakikipagbalikan si Jeremy Marquez sa kanya. Pati ang follow-up question kung siya ang rason kung bakit hindi na itinuloy ng ex-boyfriend ang panliligaw kay Karel Marquez ay ‘di sinagot. Kung pagbabasehan ang reaction nito, mukhang totoo ang tsismis.
Ready na ba siyang ma-in love uli?
“Siguro naman, basta isa siyang may puso, hindi babaero, malawak ang isip at isama na rin na mayaman siya, yes, ready na ako,” wika nito na sinundan ng malakas na tawa.
Ten days na lang ang Super Twins na 16 weeks ding umere. Sine Novela with Dennis Trillo ang next project niya sa GMA-7, kaya makikita pa rin siya. Hindi sila friends ni Jennylyn Mercado, kaya understandable kundi niya ito isinama sa cast ng ST na mami-miss ‘pag natapos ang serye. Mabuti pa nga si Mura at mami-miss niya. — NITZ MIRALLES