Regine, umiyak, natakot na maakusahan sa mga naging rebelasyon ni Ogie!

Nakatutuwa naman si Regine Velasquez da­hil di tulad ni Ogie Alcasid na piniling ikwento ang is­torya nilang dalawa sa iisang publikasyon la­mang,  siya  ay nagpas­yang pagbigyan ang pi­ping pagtatanong ng press sa mga naging rebe­lasyon ni Ogie na lu­mabas sa TV a day be­fore.

Kahit pa-press­con yun ng gaganaping grand finals ng Pinoy Pop Superstar Year 3 sa June 2  ay sinabi niyang masaya siya, sa kabila ng pagtulo ng kanyang luha na lu­mabas na rin finally ang totoo sa kanila ni Ogie. Inamin din niya na natatakot siya sa sasa­bihin ng tao. “I’m afraid that I will be judged again,” aniya.

Natawa ito nang may magtanong kung kailan ang kasal nila at idinag­dag pa na isa sa nagbi­bigay ng alala­hanin sa kanya ay ang pangya­ya­ring lahat ng nagtatapat ay nagiging jinx. “But I love him  very much. He is the only re­lationship that I have and will only have,” pagma­ma­laki niya.

Idinagdag pa rin ni Regine na pinopro­tekta­han siya ni Ogie, at ang  pamilya nito kaya ngayon lamang ito nagpasyang mag­salita.

* * *

Magaling din yung maituturing na “im­port” sa nine grand finalists ng Pinoy Pop Superstar, si Jae Buen­suceso, kina­tawan ng Filipino com­munity sa San Fran­cisco, Califor­nia. Di tulad ng mga ibang imports, bumibi­rit din siya. Sa pamama­gitan ng pagkanta ay na­gawa niyang ma­ka­tulong sa mga ulila ng Gen. San­tos two years ago. Last year, mga bik­tima ng Leyte landslide ang tu­mang­­gap ng tulong niya.

Ang walo pang mahihira­pan si­yang talunin ay sina Joyce Taña­ña, Pampanga; Jen­nie Escalada, Na­votas; Marvin Ga­garin, Nue­va Ecija; Ma­ricris Garcia, Calo­ocan City; Mi­guel Na­ranjilla, Ma­labon; Bryan Ter­mulo, Bu­lacan; Louie Abai­gar, Olonga­po City at April delos Santos, Pampanga.

Marami sa si­ yam ang pumili kay Maricris bilang pinakamahigpit nilang kalaban. Para sa akin ay ma­ga­ling din si Mari­cris pero, ga­nundin sina Jen­nie at si April. Feeling ko nga, babae ang ma­giging champion this year.

* * *

veronicasamio@yahoo.com

Show comments