Slim ngayon si Yasmien Kurdi at masayang-masaya dahil sa Pati Ba Pintig Ng Puso na sa kauna-unahang pagkakataon ay magbibida siya. “Flattered po ako sa ibinigay sa aking Sinenovela bilang si Jenny na ang bida noon ay si Sharon Cuneta. Napanood ko na ang movie,” aniya.
Maraming kissing scenes si Yasmien at ang leading man nitong si JC de Vera na gumaganap sa papel ni Gabby Concepcion noon. Payag naman ang aktres sa umaatikabong halikan nila para maging realistiko ang paglalarawan ng kanilang karakter bilang magnobyo.
MATAGUMPAY NA NEGOSYANTE
Isa pang kasama sa Pati Ba Pintig Ng Puso ay si Chynna Ortaleza kung saan bilang si Mabelle ay itinuturing niya ang karakter na napaka-challenging.
“I was driven kasi po to mental insanity, tulala, wala sa sarili at nakatira sa pagamutan. Isa itong acting piece dahil hindi po ako magsasalita at kailangang ipakita ko ang kahusayan sa pag-arte sa pamamagitan ng aking facial expression,” sey ng aktres.
Kahit hindi siya aktibo sa showbiz ay abala naman ito sa kanyang on-line-business na nauukol sa mga fashion accessories.
Nakita nga naming suot nito ang Stellar Frost Heart at Korean gold plated ang chain na isa sa kanyang mga gawa. Unti-unti nang napalaki ni Chynna ang negosyo mula P40,000 at ngayon ay umaabot na ito sa P150,000. Tatlo ang kanyang manggagawa at nagte-train pa ng dalawa bilang dagdag sa kanyang manpower.
KASIYAHAN SA RADYO AT TV
Bukod sa napapaking gan ang DZMM Radyo Patrol 630 kabilang na ang napapanood na rin sa Sky Cable Channel 22, ang kanilang mga programa. Kahit napapanood na ito sa telebisyon radyo pa rin ang dating nito na patuloy pa rin sa paghahatid ng makabuluhang impormasyon, nagbabagang komentaryo ng tambalang Korina Sanchez at Ted Failon at payo kasama ang lupon ng mga batikang radio personalities ng bansa.
Ayon nga sa DZMM executive na si Angelo Palmones ay mapapanood na rin ang mga kaganapan sa ating bansa kahit radio ang format nito.