^

PSN Showbiz

Umaatikabong halikan sa Sinenovela

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Slim ngayon si Yas­mien Kurdi at masa­yang-masaya dahil sa Pati Ba Pintig Ng Puso na sa kauna-unahang pagkakataon ay magbi­bida siya. “Flattered po ako sa ibinigay sa aking Sine­novela bilang si Jenny na ang bida noon ay si Sharon Cuneta. Na­pa­nood ko na ang movie,” aniya.

Maraming kissing scenes si Yasmien at ang leading man nitong si JC de Vera na gu­ma­ganap sa papel ni Gab­by Concepcion noon. Payag naman ang ak­tres sa umaati­kabong halikan nila para maging realistiko ang paglala­rawan ng kanilang ka­rakter bi­lang magnobyo.

MATAGUMPAY NA NEGOSYANTE

Isa pang kasama sa Pati Ba Pintig Ng Puso ay si Chynna Ortaleza kung saan bilang si Ma­belle ay itinuturing niya ang karakter na napaka-challenging.

“I was driven kasi po to mental insanity, tulala, wala sa sarili at nakatira sa pagamu­tan. Isa itong acting piece dahil hindi po ako mag­sasalita at kaila­ngang ipakita ko ang kahusa­yan sa pag-arte sa pa­ma­magitan ng aking facial expression,” sey ng aktres.

Kahit hindi siya ak­tibo sa showbiz ay abala naman ito sa kanyang on-line-business na nauukol sa mga fashion accessories.

Nakita nga naming suot nito ang Stellar Frost Heart at Korean gold plated ang chain na isa sa kanyang mga gawa. Unti-unti nang na­palaki ni Chynna ang negosyo mula P40,000 at ngayon ay umaabot na ito sa P150,000. Tatlo ang kanyang mangga­gawa at nagte-train pa ng dalawa bilang dag­dag sa kanyang manpower.

KASIYAHAN SA RADYO AT TV

Bukod sa napapa­king­ gan ang DZMM Ra­dyo Patrol 630 kabilang na ang na­pa­panood na rin sa Sky Cable Channel 22, ang kanilang mga programa. Kahit na­pa­panood na ito sa tele­bisyon radyo pa rin ang dating nito na patu­loy pa rin sa pagha­hatid ng makabuluhang im­por­­masyon, nagba­ba­gang komentaryo ng tamba­lang Korina San­chez at Ted Failon at payo ka­sama ang lupon ng mga batikang radio personalities ng bansa.

Ayon nga sa DZMM executive na si Angelo Pal­mo­nes ay mapapa­nood na rin ang mga kagana­pan sa ating bansa kahit radio ang format nito.

vuukle comment

ANGELO PAL

CHYNNA ORTALEZA

ISA

KAHIT

KORINA SAN

PATI BA PINTIG NG PUSO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with