^

PSN Showbiz

Sabi ni Mega kay Direk Lino: ‘I don’t mind kung he decides to follow’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Para kang nano­nood ng silent movie ‘pag sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia ang kaharap mo. Ang hirap nilang pagsalitain sa kanilang almost nine months relationship at walang epekto ang biro naming makakatulong sa publicity ng Super Twins  kung magkuku­wento sila ng konti da­hil tuloy ang silent movie. Ha-ha-ha!

 Mabuti na lang na ‘yung pananahimik ni­la’y binawi sa PDA o Public Display of Affection, kaya may nasulat kami sa pagbisita na­min sa taping ng ST. Lagi silang magka-holding hands at ti­tigan nang titigan na parang sila lang ang tao. Ten days silang ‘di mag­kikita’t may 10-day Ca­nada at Alaska cruise ang actor, kaya super sweet sila sa last taping day ng actor.

 Kaya naman pala ‘di pumayag si Mark Her­ras na makasama sa tra­baho ang mag-dyowa dahil maiilang talaga siya. With Pa­trick out of Tiyanaks, matatapos ang peli­kula na hindi naging prob­lema sina Jenny­lyn at Mark.

 Plural ang title ng movie dahil tatlong tiya­naks ang mapapa­nood at siniguro ni Roselle Monteverde-Teo na ‘di ito remake at sequel ng original Ti­yanaks kundi inspired lang. Malapit na itong mapanood sa di­rek­­syon ni Mark Reyes.

*****                                                

May anak na na­ man ang role ni Sunshine Dizon sa Im­postora  at dito, ang anak niya’y si  Ella Guevara na ga­ga­nap sa role ni Kath­leen. Anak siya nina Nessa (Sunshine) at Nicolas (Mark Anthony Fer­nandez) at last Friday nagsimula na ring mag-taping ang ba­gets.

Tumawag ang manager ni Chin-Chin Gu­tierrez kay Shirley Pi­zarro na tumawag na­man sa amin para lina­wing hindi ito ka­sama sa cast ng tele-drama ng GMA-7. Ka­hit ma­tapos ang  Ma­ging Sino Ka Man, ma­nanatili siya sa ABS-CBN dahil ma­saya siya sa network at may next  project na rin siyang gagawin.

Si Chin-Chin ang sabi’y gaganap na mo­ther ni Mark Anthony, pero pinalitan na siya ni Chanda Ro­mero na isa ring ma­galing na actress. Sa June 4 na ang premiere ng Im­postora.

*****

Bukas na ang alis nina Sharon Cuneta and her family para um-attend sa graduation ni KC Concep­cion sa Pa­ris end of this month. Kahapon, nag-taping pa ang mega­star para sa Sharon at baka mata­galan sila roon, although’ sinabi ni­tong babalik sila agad dahil mahal sa Paris.

Kompleto ang Pa­ngilinan family na da­dalo sa graduation ni KC at pahinga na rin nila ito dahil napagod sila, lalo na si Sen. Kiko Pangili­nan sa kampanya. Sana lang, alam na ni Sharon ang kurso ng anak dahil ‘di niya ma-memorya at kailangang tanungin niya si Sandy Sta. Maria everytime tina­tanong siya ng press tungkol doon.

Hindi tutol si Sha­ron sakaling pumunta ng Paris si Direk Lino Ca­yetano para du­malo sa graduation ng anak. “I don’t mind, walang pro­blema if he decides to follow,” sabi ni Sharon.

CHANDA RO

CHIN-CHIN GU

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with