Akalain mo!

Maraming kissing scenes sina Yasmien Kurdi at JC de Vera sa Pati Ba Pintig ng Puso at welcome ito sa dala­wa. Ang young actress nga’y nagpa­hayag na kahit torrid kissing scene ay kaya niyang gawin kung kailangan at sabi naman ng young actor, itanong daw namin sa kapareha kung gusto rin ng bed scene.

Naniniwala si Yas­mien na hindi tututol si Sharon Cuneta na ni-remake nila ni JC ang isa sa mga pelikula nila ni Gabby Concepcion. Sa Dear Heart lang daw kontra ang megastar dahil first movie niya ‘yun, pero inaming ma­la­king pressure sa kan­ya na gampanan ang role nito lalo’t alam na malaki ang expectation ng tao.

Nagagwapuhan si Yasmien kay JC, mala­kas ang appeal at lala­king-lalaki ang dating. Ang description naman sa kanya ng actor ay may sariling mundo at ikot nang ikot sa taping, pero malay natin sa pagkakaiba nilang ugali sila magkagustuhan.

Bukas na magsisi­mula ang Pati Ba Pintig ng Puso? at makaka-back-to-back ng Sina­samba Kita at sabi ni JC, first week pa lang ay maganda na. Gil Tejada directs.

* * *

Nalulungkot si RJ Jimenez sa nangyari sa kapwa alumnus ng Pi­noy Dream Acade­my da­hil pare-pareho silang nag­hirap para magka-career. Kaya natuwa ang binata nang mala­mang babalik na si JayR Siaboc sa ASAP this Sunday at mai­pag­pa­­patuloy ang career.

Sa muling pag-ek­se­na ni Jay-R, napatu­na­yan ni RJ na hindi siya ang ipapalit dito at kung siya man ang isa­sama sa next US Tour ng PDA scholars, dahil sa talent din siya ng Dream Big Produc­tions na kaila­ngang i-build up.

Samantala, nagha­handa na si RJ sa kan­yang first major at solo concert sa Teatrino sa Promenade sa Green­­hills sa May 31. Dubbed Project: RJ. JMNZ na magsu-show­case ng latest original com­posi­tions niya plus co­vers of his fav­orite songs from his musical in­fluen­ces.

Director ng con­cert si Gio­vanni Respall at musi­cal direc­tor si Ran­nie Ray­mun­do. Ang Me­diatrix Talent Cas­ting Studio ang produ­cer. Tick­ets are pri­ced at P350 and P500 and avail­able at SM Tick­etnet, Teatrino ticket­ron. For reserva­tions, call 0917-642­1313.

* * *

Nagpahayag ng lung­­­kot si Francis Ma­ga­lona sa pagkamatay ni Yoyoy Villame. Hindi man sila nagkasama sa project, nakikita niya ito sa prayer meeting at malaki ang respeto niya rito.

Sabi ni Francis: “I mourn the loss of a mu­sical icon na malaki ang influence sa young ge­neration. To stereo­type him as a novelty singer would be unfair. He is the Father of Philip­pi­ne Novelty. He is a ly­rical genius. His lyrics is witty, humorous, ton­gue-in-cheek, pero may la­man. The way he de­livers his music is very poetic. I look up to him, he’s a great talent at ma­raming matututunan ang generation ngayon sa kanya.”

Nagpahayag din si Francis nang pagkabilib sa talento ni Gloc 9 kung saan, nag-guest siya sa kantang “Lan­do,” kasama sa 14-track album nito under Sony­BMG. Magaling daw ang 29-year-old rap­per, English at Ta­galog rap man at maikukum­para ito sa foreign rap ar­tists.

* * *

Sa May 27 na raw ang pilot ng game show nina Paolo Bediones at ng Sexbomb sa GMA-7, pero ‘di pa alam ang title at details nito. Ang un­titled game show ang sina­sabing ipa­palit sa slot ng Philip­pine Agen­­­da, so, ma­pa­pa­nood pa rin every Sun­day ang TV host.

Narinig namin ang pasasalamat ni Paolo sa pagbibigay ng ba­gong show sa kanya ng GMA-7, but how true na kundi napulitika ay kasama siya dapat sa Showbiz Central? Any­way, kahit anong show naman ang ibi­gay sa kanya’y lu­mi­li­taw pa rin ang husay niya.

Show comments