Akalain mo!
Maraming kissing scenes sina Yasmien Kurdi at JC de Vera sa Pati Ba Pintig ng Puso at welcome ito sa dalawa. Ang young actress nga’y nagpahayag na kahit torrid kissing scene ay kaya niyang gawin kung kailangan at sabi naman ng young actor, itanong daw namin sa kapareha kung gusto rin ng bed scene.
Naniniwala si Yasmien na hindi tututol si Sharon Cuneta na ni-remake nila ni JC ang isa sa mga pelikula nila ni Gabby Concepcion. Sa Dear Heart lang daw kontra ang megastar dahil first movie niya ‘yun, pero inaming malaking pressure sa kanya na gampanan ang role nito lalo’t alam na malaki ang expectation ng tao.
Nagagwapuhan si Yasmien kay JC, malakas ang appeal at lalaking-lalaki ang dating. Ang description naman sa kanya ng actor ay may sariling mundo at ikot nang ikot sa taping, pero malay natin sa pagkakaiba nilang ugali sila magkagustuhan.
Bukas na magsisimula ang Pati Ba Pintig ng Puso? at makaka-back-to-back ng Sinasamba Kita at sabi ni JC, first week pa lang ay maganda na. Gil Tejada directs.
* * *
Nalulungkot si RJ Jimenez sa nangyari sa kapwa alumnus ng Pinoy Dream Academy dahil pare-pareho silang naghirap para magka-career. Kaya natuwa ang binata nang malamang babalik na si JayR Siaboc sa ASAP this Sunday at maipagpapatuloy ang career.
Sa muling pag-eksena ni Jay-R, napatunayan ni RJ na hindi siya ang ipapalit dito at kung siya man ang isasama sa next US Tour ng PDA scholars, dahil sa talent din siya ng Dream Big Productions na kailangang i-build up.
Samantala, naghahanda na si RJ sa kanyang first major at solo concert sa Teatrino sa Promenade sa Greenhills sa May 31. Dubbed Project: RJ. JMNZ na magsu-showcase ng latest original compositions niya plus covers of his favorite songs from his musical influences.
Director ng concert si Giovanni Respall at musical director si Rannie Raymundo. Ang Mediatrix Talent Casting Studio ang producer. Tickets are priced at P350 and P500 and available at SM Ticketnet, Teatrino ticketron. For reservations, call 0917-6421313.
* * *
Nagpahayag ng lungkot si Francis Magalona sa pagkamatay ni Yoyoy Villame. Hindi man sila nagkasama sa project, nakikita niya ito sa prayer meeting at malaki ang respeto niya rito.
Sabi ni Francis: “I mourn the loss of a musical icon na malaki ang influence sa young generation. To stereotype him as a novelty singer would be unfair. He is the Father of Philippine Novelty. He is a lyrical genius. His lyrics is witty, humorous, tongue-in-cheek, pero may laman. The way he delivers his music is very poetic. I look up to him, he’s a great talent at maraming matututunan ang generation ngayon sa kanya.”
Nagpahayag din si Francis nang pagkabilib sa talento ni Gloc 9 kung saan, nag-guest siya sa kantang “Lando,” kasama sa 14-track album nito under SonyBMG. Magaling daw ang 29-year-old rapper, English at Tagalog rap man at maikukumpara ito sa foreign rap artists.
* * *
Sa May 27 na raw ang pilot ng game show nina Paolo Bediones at ng Sexbomb sa GMA-7, pero ‘di pa alam ang title at details nito. Ang untitled game show ang sinasabing ipapalit sa slot ng Philippine Agenda, so, mapapanood pa rin every Sunday ang TV host.
Narinig namin ang pasasalamat ni Paolo sa pagbibigay ng bagong show sa kanya ng GMA-7, but how true na kundi napulitika ay kasama siya dapat sa Showbiz Central? Anyway, kahit anong show naman ang ibigay sa kanya’y lumilitaw pa rin ang husay niya.
- Latest