Combat vets in Sulu deployed to Abra

Simula sa Linggo, May 20, ay mapa­panood na si Piolo Pascual sa ilang GMA-7 shows tulad ng SOP,  Pinoy Pop Superstar, Master Show­man, Mel and Joey at Show­biz Central para sa promo ng peli­kulang Paano Kita Iibigin un­der Star Cinema at Viva Films.

Inamin ng aktor na puma­yag na­ man daw ang Star Magic sa promo sche­d­ule nila ni Re­gine Velas­quez na magpo-pro­mote nga siya sa GMA-7 at ang singer/ac­tress/TV host ay magi-guest din sa ABS-CBN.

After so many years ay ngayon lang uli tu­tuntong ng Siete ang prime actor ng Dos.

Samantala, very thankful si PJ sa leading lady niyang si Regine dahil na­tupad daw ang pangarap ni­yang mag­karoon ng soundtrack album.

“Maraming beses na kasi akong kumanta ng themesong ng movie, pero never na naging album pa, at first time lang ngayon at dahil kay Regs ‘yun, kaya thank­ful talaga ako sa kanya,” saad ng aktor.

* * *

Good news sa fans ni Pinoy Dream Aca­demy 1st runner-up na si Jay-R Siaboc dahil mapa­panood na siya sa Ling­go (May 20) sa ASAP ’07.

“In fairness, na-miss talaga ng tao si Jay-R, akala namin nu’ng na­wala siya, dedma na rin siya, maraming nagha­hanap, mara­ming pro­moters na nag­hahanap sa top 6, kaya heto back to work na uli siya,” tsaka sa ABS-CBN kahapon. – REGGEE BONOAN

Show comments