Tinanong ko si Jennifer Sevilla kung bakit pumayag siyang maging nanay ni Yasmien Kurdi sa Sine Novela na Pati Ba Pintig ng Puso?
“Okey lang naman dahil kulang tayo sa batang nanay. Si Sheryl Cruz nga ginampanan ni Sunshine Dizon sa Bakekang. Bakit hindi ako? Mabuti na lang at kahit wala akong manager ay kinukuha pa rin ako ng GMA 7. Kahit ulila na ako ay mayroon naman akong pinagkakalibangan. Bukod sa nagsisilbing theraphy ang aking trabaho sa telebisyon ay meron akong negosyo- ang wig at mannequin kung saan maganda naman ang kita ko,” anang aktres.
Hanggang ngayon ay wala pa ring asawa si Jennifer at ibinubuhos pa ang panahon sa career at negosyo.
Angel, Mag-Aaral Ng Sayaw
Ayaw munang isipin ni Angel Locsin ang pagtatapos ng Asian Treasures sa Hunyo 15. Balak kasing ibigay sa kanya ng Philippine version ng Marimar na ginampanan ni Thalia.
Kabado ang aktres dahil hindi raw siya marunong sumayaw pero handa naman siyang mag-aral kapag tinanggap ang soap opera.
Sa kabilang banda pupunta ng China ang magandang aktres dahil ipalalabas ang pelikula nilang Angels sa San Francisco, San Diego, Los Angeles at Canada.
Nagdarasal Bago Kumain
Gandang-ganda kami sa bagong Coca-Cola campaign dahil nagpapamalas ito ng family bonding kaya nang ilunsad ito’y pinamagatang “Bonding sa Buhay Coke, Buksan Mo”, isang nationwide effort para i-promote ang family meals kung saan nagpapakita ang pamilya ng quality time.
Isang magandang halimbawa ang pamilya ni Francis Magalona at Pia sa piling ng kanilang mga anak sa pangunguna ni Maxene.
Tradisyon na sa Magalona family ang magdasal muna bago kumain na pinamumunuan ng kanilang bunsong anak na si Clara na anim na taon. Naniniwala sila na ang pagkain ng pamilya ay para magpasalamat sa biyayang natatanggap.
MMFF Submission Of Entries
Hinikayat ng Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) Execom ang lahat ng interested movie producers na magsumite ng kanilang entries sa taong ito on or before May 18, 2007 para sa mga pelikulang ilalahok sa December 25 at June 18, 2007 para sa ipalalabas simula Enero 1, 2008.
Mula sa screenplays na isusumite na siyam (9) ang pipiliin ng selection commit tee bilang official entries sa festival. Ang unang anim (6) na ang bubuo sa first batch na ipalalabas sa main exhibition period samantalang ang natitirang tatlo (3) ay ipalalabas sa festival’s later stage.
Sinabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando na ilalathala ang offiicial entries para sa first batch sa June 8, 2007 samantalang ang second batch ay sa June 28, 2007.