^

PSN Showbiz

Poll observer criticizes lack of privacy in precincts

- Perseus Echeminada -

Tinanong ko si Jen­nifer Sevilla kung bakit pumayag siyang ma­ging nanay ni Yasmien Kurdi sa Sine Novela na Pati Ba Pintig ng Puso?

“Okey lang naman dahil kulang tayo sa batang nanay. Si She­ryl Cruz nga ginam­panan ni Sunshine Dizon sa Bakekang. Bakit hindi ako? Mabuti na lang at kahit wala akong manager ay kinukuha pa rin ako ng GMA 7. Kahit ulila na ako ay mayroon na­man akong pinagka­kalibangan. Bukod sa nagsisilbing theraphy ang aking trabaho sa telebisyon ay meron akong negosyo- ang wig at mannequin kung saan maganda naman ang kita ko,” anang aktres.

Hanggang ngayon ay wala pa ring asawa si Jennifer at ibinu­buhos pa ang panahon sa career at negosyo.

Angel, Mag-Aaral Ng Sayaw

Ayaw munang isipin ni Angel Locsin ang pagtatapos ng Asian Treasures sa Hunyo 15. Balak kasing ibigay sa kanya ng Philippine version ng Marimar na ginampanan ni Thalia.

Kabado ang aktres dahil hindi raw siya marunong sumayaw pero handa naman siyang mag-aral kapag tinanggap ang soap opera.

Sa kabilang banda pupunta ng China ang magandang aktres dahil ipalalabas ang pelikula nilang Angels sa San Francisco, San Diego, Los Angeles at Canada.

Nagdarasal Bago Kumain

Gandang-ganda kami sa bagong Coca-Cola campaign dahil nagpapamalas ito ng family bonding kaya nang ilunsad ito’y pi­namagatang “Bonding sa Buhay Coke, Buk­san Mo”, isang nation­wide effort para i-pro­mote ang family meals kung saan nagpapakita ang pamilya ng quality time.

Isang magandang halimbawa ang pa­milya ni Francis Ma­galona at Pia sa piling ng kanilang mga anak sa pangunguna ni Maxene.

Tradisyon na sa Magalona family ang magdasal muna bago kumain na pinamu­munuan ng kanilang bunsong anak na si Clara na anim na taon. Naniniwala sila na ang pagkain ng pamilya ay para magpasalamat sa biyayang natatanggap.

MMFF Submission Of Entries

Hinikayat ng Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) Execom ang lahat ng interested movie pro­ducers na magsumite ng kanilang entries sa taong ito on or before May 18, 2007 para sa mga pelikulang ilala­hok sa December 25 at June 18, 2007 para sa ipalalabas simula Enero 1, 2008.

Mula sa screen­plays na isusumite na siyam (9) ang pipiliin ng selection commit­ tee bilang official entries sa festival. Ang unang anim (6) na ang bubuo sa first batch na ipa­lalabas sa main  exhi­bition period sa­man­talang ang na­titirang tatlo (3) ay ipalalabas sa festival’s later stage.

Sinabi ni MMDA Chairman  Bayani Fer­nando na ilalathala ang offiicial entries para sa first batch sa June 8, 2007 saman­talang ang second batch ay sa June 28, 2007.

ANGEL LOCSIN

ASIAN TREASURES

BAYANI FER

BUHAY COKE

FRANCIS MA

LOS ANGELES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with