^

PSN Showbiz

Comelec probe sa 12-0 ng Team Unity di raw patas

-

Isang mapagkakatiwalaang impor­ mante ang nakapagbulong sa amin na 85 million pesos ang nagastos ni Manny Pacquiao sa kanyang kandidatura.

Ang halagang kinita raw ng kam­peong boksingero sa laban nila ni Jorge Solis ay buong-buong napunta sa mga gastusin sa kanyang kampanya, napaka­laking halaga nun, pero nauwi lang sa hangin.

Masamang-masama ang loob nga­yon ni Pacman dahil maraming nanloko sa kanya, puro padding ang naganap nung kanyang kampanya, pinagsa­mantalahan ng mga taong pinagkaka­tiwalaan niya ang pagiging bagito ng boksingero sa larangan ng pulitika.

Sabi ng aming source, “Okey na sana kay Manny na natalo siya, aminado na­man siya na talagang wala siyang alam sa pinasok niyang laban, pero ang hindi niya matanggap ngayon, eh, kung paano siyang pinagsamantalahan ng mga taong ang akala pa naman niya, eh, kanya.”

Sa isang hotel daw na tinutuluyan ng mga artistang umakyat sa entablado ng kanyang kampanya ay naging matindi ang loko­han, mismong mga taong pinagkati­walaan ni Man­ny ang nanloko sa kanya, ang 10 libo ay ginaga­wang 100 libong piso.

“Kung anu-anong pag­kain ang nakalista, parang laging may han­daan, samantalang iilang artista at staff lang naman ang nandun sa hotel. Yun pala, talagang trinabaho siya ng mga taong itinoka niya dun.

“Padded ang mga resibo, sa mga zero lang nagkakatalo na. Ganun kadis-organisado tu­makbo ang kampanya niya. Wala kasi silang pre­paration, lahat, nag­mamarunong.

“Kaya nakakalungkot ang nangyaring ito, talo na siya, butas pa ang bulsa niya,” sabi pa rin ng aming kausap.

* * *

Ngayon siguro ay mananahimik na ang mga taong nagpakain nang masasakit na salita kay Konsehal Isko Mo­reno nung kasagsagan ng kampanya. Ang nila­lait-minamaliit nilang basura at hindi basurero ay sinuportahan ng mga Manilenyo, walang na­gawa ang taktika ng kanyang mga kalaban para malaglag ang aktor-pulitiko sa labanan.

Kailan ba naman ipi­nagkaila ni Isko Moreno na namamatsoy lang siya dati ng basura sa mga lan­sangan ng Tondo, nagpanggap bang naka­tira sa pangyamang sub­division yung tao, mula’t mula naman ay aminado siya na mamamatsoy siya ng basura.

Pero kapag basurero ba ang isang tao ay wala na siyang karapatang pagmilagruhan ng kapa­laran, kapag taga-Tondo ba ang tao ay wala na siyang karapatang ma­buhay sa mundo, mas­ya­do namang nilait ng mga taong yun si Isko Moreno.

Kapansin-pansin na hindi sinuportahan ng kanilang mga nasasa­ ku­pan nung nakaraang elek­siyon ang mga puli­tikong mahilig manlait ng kanilang mga ka­tunggali, maidagdag sa listahan ang lumilipad na tagum­pay ngayon ni Mayor Vilma Santos na pag-aaralan na nating tawa­ging Gober­nador Vilma, nawalan ng saysay ang mga personal na paninira sa kanya nung panahon ng kampanya ng kala­ban niyang mas masa­hol pa sa tsismosang nakikipag­kutuhan sa hagdan kung makapa­mintas sa kanya.

* * *

Saludo kami sa mag-amang Mayor Lito Atien­­za at Ali, mas lu­maki ang tingin namin sa kanila nang magdesis­yon silang tanggapin nang maluwag sa puso ang panalo ni Senador Alfredo Lim bilang ma­yor ng Maynila, bibi­hirang pulitiko lang ang ma­­agang naka­ta­tang­gap ng kato­tohanang hindi sila pinalad sa botohan, ang sabi kasi’y wala namang pulitikong natatalo kundi nadadaya lang.

Hindi nakabawas sa pagkatao ng mag-amang Atienza ang kanilang gi­ nawa, sa halip ay nakuha pa nga nila ang respeto ng publiko.

Malapit kami kay Kim Atienza, isa sa mga iti­nuturing naming “kaya­manan” ng News And Current Affairs Division ng ABS-CBN, pero nung mga panahong nasa kabilang bakod kami ng labanan (para kay Sena­dor Lim) ay wala kaming anumang narinig mula sa kanya.

ISKO MORENO

JORGE SOLIS

KIM ATIENZA

KONSEHAL ISKO MO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with