Ano ang karapatan ni Carmina para sabihan si Ruffa na huwag na nitong balikan pa si Yilmaz?

Gaano katotoong galit si Ruffa Gutier­rez-Bektas sa kaibi­gan ni­yang si Carmina Villa­roel?

Kaya namin ito na­itanong ay dahil isa raw si Mina sa pinaringgan ni Ruffa nung Linggo sa The Buzz?

Ayon sa tsika sa amin, “Nagbigay daw ng unsolicited ad­vise si Carmina kay Ruffa na parang pag bumalik pa raw si Ruf­fa kay Yil­­maz (Bek­tas), e, sasam­palin o ma­­gagalit siya, some­thing to that effect.

“Katwiran ni Ruffa, sino si Car­mina para mag­ sabi ng huwag na siyang bumalik sa asa­wa ni­ya, e, asa­wa niya ‘yun, sa­­na nag­pa­ka-safe na lang si­ya ng sa­sa­bihin, si­yem­pre as of now, sen­­­sitive si Ruffa maski na siguro gaano katindi ang gulo nila ng asa­wa niya, asa­wa niya pa rin yun at ma­hal niya ‘yun plus tatay ‘yun ng mga anak niya.

“Si Ruffa ang may final say kung babalik o hindi na kay Yil­maz, ang pun­­to, hu­wag si­yang pangu­na­han, e, lola Car­mina mo tak­lesa na na­man.”

As of now ay wala na­man si Car­mina sa ban­­sa para ku­nan ng pa­ha­yag dahil kasa­lu­kuyan daw itong nasa ibang bansa for a vaca­tion with her family.

* * *

Nakakaloka talaga ang album launching ng Paano Kita Iibigin nina Piolo Pascual at Re­gine Velasquez da­hil alas sais ang call time at almost 9PM na du­mating ang dalawa.

 Katwiran nila ay last shooting day daw ng  movie sa Majayjay, Laguna at na-traffic sila. 

Apologetic naman sina PJ at Regine sa pagkaka-late.

* * *

How true na pag­papahingahin daw muna si Ehra Madri­gal sa Lupin?

Tsika mismo ng isa sa cast ng nasabing programa ni Richard Gutierrez na nagiging pasaway na raw ang ate ni Michelle sa set kaya naiirita ang buong production staff sa kanya at nag-iinarte pa raw.

Kaya biglang baba­guhin ang script na kunwa’y nasaksakan ng pampatulog at hindi alam kung kailan siya magigising. —REGGEE BONOAN

Show comments