Irish, binweltahan ang mga kalaban

Namuti ang mga mata ng TV crew ng TV Patrol, The Buzz, 24 Oras, Startalk at Showbiz Central sa NAIA sa pag-aabang kay Yilmaz  Bektas last Tuesday night.

Ayon sa natanggap na report ng mga na­sabing programa ay darating daw ng Pili­pinas ang asawa ni Ruffa Gutierrez-Bek­tas na ayon sa mani­festo ng Arab Emirates Airline ng bandang 10NG para personal daw na humingi ng paumanhin kay Anna­belle Rama dahil sa mga sinabi nito sa e-mail na ipinadala niya sa ilang journalist.

Bagama’t hindi na­man tinukoy kung si­nong relative ni Ruffa ang naging dahilan kaya hindi maganda ang pagsasama nila ay iisa ang nasa utak ng lahat, ang mommy ng TV host/actress.

 * * *

Nasalubong namin sa Gateway Mall ang tinaguriang pasaway na Pinoy Dream Aca­demy Top 6 na si Irish Fullerton, kasama ang pinsang lalaki na ba­likbayan din at kaagad naming tinanong kung ano ang katotohanan sa mga nangyari sa kanila sa Amerika nung huling gabi nila sa hotel.

“Ang hirap mag­salita kasi they (PDA staff) did not allow me to talk, kasi alam nilang sasabihin ko ang bu­ong katotohanan.

“Yes, I brought wine inside the room of Yeng Constantino, pero hindi ko sinabing uminom si Yeng, in fact, nag-smoke siya, we all did kasi last night na, ‘yung sinunog ang carpet ng hotel, that’s not true, sobrang exag­gerated naman ‘yan, napaka-unfair on my part kasi ako ang sinira nila, ako ang sinabi­hang maldita and all that.

“Bakit ayaw nila akong ipa-interview sa press? Dahil ayaw nilang magsalita ako?  They even write that maldita ako sa mom ko, my God, kung alam lang nila, e, di sampal ang inabot ko sa pa­rents ko?

“Maraming hindi to­too sa naisulat, I don’t, I know, isa ka sa nag­sulat regarding that issue, galit ka ba sa akin?” ito ang maha­bang pahayag ni Irish na panay ang iling.

Klinaro rin niya ang tungkol sa relasyon nila ni Jay-R Siaboc, “We’re not on, magka­ibi­gan lang talaga kami. If people mis-interpreted, that’s fine, pero hindi kami ni Jay-R.  Mark (Bautista) called me up regarding that, I told him, it’s not true at huwag siyang magselos.”

At tungkol sa pagpirma niya sa Warner Music, “I don’t know kung tuloy pa ‘yun, baka naka-affect na rin ang mga naisulat, but direk Jon Ilagan assured me na siya ang magpo-produce ng album ko. I am not going back to the States, I will stay here at hindi rin ako frozen delight, in fact we have so many shows this May and June,” dagdag pa nito.

At dahil sa takot na pilitin siyang umalis ng bansa ay umalis na si Irish sa tinitirhang condo unit na malapit sa ABS-CBN at nakatira siya ngayon sa pinsan niya sa Project 3, Quezon City.   – REGGEE BONOAN

Show comments