Madugo ang make-over at surgical procedures na pagdadaanan ng tatlong finalists ng Ms. Ugly No More search na sina Ma. Luisa Ramos, Ma. Luisa Teresa Victorioso at Jeralyn Escorel. Bukod dito ay mayroon ding dental procedures involved.
Sa kanilang tatlo, ang pinakamatinding make-over at pinakamatagal ay isasagawa kay Ms. Victorioso.
Ayon sa assessment ng mga dalubhasang doctor ng Beverly Hills 6750 na sina Don at Caorrie Magadia, Dr. Angel Camagun, Dr. Rene Valerio at Dr. Ed Santos, sasailalim si Victorioso sa mga sumusunod na procedures: augmentation rhinoplasty, chin augmentation, submandibular and submental liposculpture, buccal fat excision, breast augmentation at full abdominoplasty sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Hindi biro ang pagdadaanan ng tatlong finalist para lamang gumanda at tanghaling Ms. Ugly No More. Sa June 18 malalaman kung sino ang tatanghaling grand winner sa pamamagitan ng text votes.
* * *
Naku, Mother Lily, dapat magbigay ka ng victory or thanksgiving party dahil halos lahat ng mga manok mo sa pagka-senador ay pasok sa Magic 12. Ang malaking rebelasyon ay si Antonio Trillanes na nakapiit pero napabilang sa Magic 12.
Maraming Pilipino ang naghahanap ng pagbabago at maaaring nakita nila ito sa katauhan ng isang sundalong si Trillanes na ang tanging layunin ay maging maganda ang takbo ng ating bansa. — REMY M. UMEREZ