Nawalan ng power ang mga suntok ni Manny sa mga nakalaban sa botohan

Martes nang umaga ay nakatanggap kami ng text message mula sa isang kaibigan-ka­sang­ ga ng People’s Champ­ion na si Manny Pac­quiao, “Tita, ma­lungkot si Manny,” alam na na­min agad na ang mala­king agwat ng nakopong boto ni Cong. Darlene Anto­nino-Cus­todio sa Unang Distrito ng Co­ta­bato City ang dahilan ng kalungkutan ng kam­peong boksi­ngero.

Kung may sampung boto sa isang presinto si Custodio ay lumalaro lang sa apat-lima ang para kay Pacman, ka­pag pinagsama-sama mo ang kalahating ka­lama­ ngan ng boto nito kay Manny, natural lang na milya-milya ang magi­ging suma-tutal nun.

Martes pa lang nang umaga ay inatake na ng depresyon si Manny, hindi lang ang pagkatalo niya ang ikinasasama ng loob ng kampeong bok­ si­ngero, kundi pati ang mga taong pinag­katiwa­laan niya nang isan­daang porsiyento pero niloko lang pala siya.

May kinalaman sa usapin ng pananalapi ang kuwentong yun, ang piso ay nagiging isang libo, talagang pinagsa­mantalahan si Pacman ng mga taong nakapa­ligid sa kanya.

Walang nagawa ang pananalo niya la­ban kay Jorge Solis para maba­go niya ang desisyon ng kanyang mga kababa­yan, hindi sumapat ang populari­dad niya para talunin ang kasaluku­yang kon­gresista ng kanilang distrito, hindi binig­yang-halaga ng kan­yang mga kababa­yan ang pangako ni Manny na kapag siya ang na­nalo ay dadalhin niya ang gobyerno sa Gen­eral Santos City.

Opinyon ng mga na­kakausap namin, ang pa­giging malapit ni Manny Pacquiao sa Palasyo ang naging dahilan ng kan­ yang pagkatalo.

* * *

Hindi lang si Pac­man ang inalat nga­yong elek­ siyon, pati ang mga kan­didatong inendorso ni Manny Pacquiao ay talunan din sa gina­ganap pang bilangan ngayon, wa­lang naga­wang himala ang pag­sakay niya sa motorcade ng mga kandidatong yun para makalusot sa laba­nan.

Kinabog ni Senador Alfredo Lim si Ali Atien­za sa Maynila, ilang beses niyang tinulungan ang kandi­datura nito, pero talo ang manok ni Pacman.

Umaandar na ang kanyang pangangam­panya ay nagsadya pa siya sa Makati City, sumakay siya sa mo­tor­cade ni Senador Lito Lapid, pero ano ang nangyari?

Pare-pareho silang talo, pinakain sila ng alikabok ng kanilang mga kalaban, nawalan ng power ang mga sun­tok ni Manny sa botohan.

* * *

Ang nagbubunyi nga­yon ay ang mga Vilma­ nian dahil sa kabila ng mga paninira sa kanilang idolo ay namamayagpag nga­yon sa bilangan si Ma­yor Vilma Santos sa pagiging gobernador, hindi na proble­ma ang kanyang pananalo, ang hini­hintay na lang ng kampo ng Star For All Seasons ay kung gaano kalaki ang kalamangan ng kanyang boto sa pulitikong hanggang sa huling sandali ay binu­buwisit pa rin siya.

* * *

Parang Bagong Taon na nung kausap namin si Enrico Roque ng Bodega Ng Bayan kahapon nang umaga, nagpapaputok na ang kani­lang mga kaalyado, dahil ang kan­yang kapatid na si Ricky Roque ang nag-number one sa Konseho ng Pandi, Bulacan.

Panalo ring mayor ang aming ka­ibi­gang si Tito Bobby Oca, nagta­gumpay ang kanilang partido, kaya ganun na lang ang kaligayahan ni Enrico na tumutok nang husto sa kam­panya ng nakababata niyang kapatid.

“Hindi po dito matatapos ang pasa­sa­lamat ko sa mga kababayan namin, sobra-sobrang saya po ang nararamda­man ko ngayon, dahil hindi nila binigo ang kapatid ko,” sinserong pahayag ng ama ng Bodega Ng Bayan.

* * *

Kampante na si Alma Moreno sa pagka-konsehal sa Unang Distrito ng Parañaque, panalo rin sa pagka-congressman sa Unang Distrito ng Lagu­na ang action star na si Dan Fernandez, pero malungkot si Jestoni Alarcon sa kinauwian ng kanyang laban sa pagka-congress­man sa Antipolo City.

Ang dating nama­matsoy lang ng basura sa Tondo na si Konse­hal Isko Moreno, ma­lapit nang umupong vice-mayor ng Maynila, habang tinututu­kan pa namin hanggang nga­yon kung magbabago pa ang ihip ng hangin sa pagkandidato uling vice-mayor sa Paraña­que ni Anjo Yllana.

Show comments