Unang na-link si Karel Marquez sa anak ni Da King na si Ronian Poe, at katunayan ay nagkaro’n sila ng relasyon na hindi naman gaanong nagtagal at agad ding naputol.
“Batang-bata pa ako nun, mga 17 lang. Whatever I felt for Ronian ay hindi seryoso, kaya siguro madali ring nawala. Our relationship lasted for only six months. Wala na kaming komunikasyon ngayon. Di ko alam kung narito ba siya o nasa States na,” ang paliwanag ni Karel sa press launch ng Pati Ba Pintig ng Puso, isang Sine Novela ng GMA7 na kung saan ay gagampanan niya ang role ng isang kontrabida. Ang series na tinampukan nun nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ay tatampukan naman nina JC de Vera at Yasmien Kurdi kasama rin sina Jennifer Sevilla, Kier Legaspi, Marcus Madrigal, Maureen Larrazabal, Chynna Ortaleza, Marco Alcaraz, Arci Muñoz, Sweet Ramos at Eddie Gutierrez, sa direksyon ni Gil Tejada, Jr.
Ngayon, palaging inili-link ang pangalan nila ni Jeremy Marquez at, katunayan, marami ng naniniwala na sila na ngayon, dahil nakita silang dalawa sa Boracay, kamakailan lamang.
“Hindi naman siya nanligaw sa akin. Magkaibigan lang kami, the type na kung tawagin ng marami ay MU.
“Nabaitan lang ako sa kanya at naisip ko na pwede pala kami kaya lang, hindi ito nangyari, in fact cool off ang friendship namin ngayon,” sabi niya.
At 20, inamin ni Karel na seryosong relasyon na ang hanap niya at gusto niya ay lalaking mas ma tanda sa kanya, mga four to six years older. Ideal nga sana si Jeremy dahil eight years ang tanda nito sa kanya pero, maski siya hindi niya alam kung bakit hindi naging sila. Eh inamin niyang lumalabas sila dati. “In the end I decided, na mabuting friends na lang kami.”
* * *