^

PSN Showbiz

Mother Lily, naiipit kina Binay at Lapid!

RATED - Aster Amoyo -
Ang buong akala ng marami ay ‘made in heaven’ ang marriage nina Ruffa Gutierrez at ng kanyang Turkish businessman-husband na si Yilmaz Bektas lalupa’t biniyayaan ito ng dalawang magagandang anak na sina Lorin (4) at Venice (3). Pero tulad ng ibang marriages, hindi man lamang umabot ng limang taon ang pagsasama bilang mag-asawa nina Ruffa at Yilmaz at nauwi rin ito sa hiwalayan.

Maraming factors kung bakit nagkahiwalay sina Ruffa at Yilmaz. Una na rito ang cultural differences ng mag-asawa. Nariyan ang distance. Mas madalas na narito sa Pilipinas si Ruffa at mga bata habang si Yilmaz ay naiiwan sa Istanbul. For a while, natutunang mamuhay ni Ruffa sa Istanbul at nagkaroon na rin siya ng sariling set of new friends doon pero iba pa rin ang sarili niyang pamilya at mga kaibigan sa Pilipinas kung saan din siya may sariling showbiz career.

Lately, kapansin-pansin ang pananatili ni Ruffa nang matagal sa Pilipinas. May namumuo na sa aming isipan na mukhang may problema sa pagitan ng mag-asawa kaya mas matagal ang pananatili rito ni Ruffa at ng kanilang dalawang anak ni Yilmaz.

Pero ayaw namin itong itanong kay Ruffa dahil wala naman itong naikukwento sa amin na may problema sa kanila ng kanyang mister hanggang sa matanggap namin ang official statement ng pamilya Gutierrez na ipinadala sa amin ng publicist ng mga Gutierrez na si Jun Lalin. On the same day, nabasa rin namin ang kolum ni Ricky Lo sa Philippine Star.

Sinubukan naming kontakin si Ruffa para kausapin siya pero, nakapatay ang kanyang cellphone. Si Jun Lalin na mismo ang nagsabi sa amin na ayaw daw munang mag-grant ng interview si Ruffa kahit kanino at ire-reserve na lamang daw nito ang kanyang personal na pahayag sa The Buzz sa darating na linggo.
* * *
>Na-miss namin ang get-together dinner na ipinatawag ni Mother Lily Monteverde para sa award-winning actor at vice-governatorial candidate ng Batangas na si Christopher de Leon na ginanap sa Imperial Palace Suites sa Quezon City nung nakaraang linggo ng gabi. Ganunpaman, hindi ito dahilan para hindi namin maipaabot sa kanya ang aming suporta dahil naniniwala kami sa kanyang kakayahan, sinseridad at commitment sa larangang kanyang pinapasok.

Samantala, kung all-out si Luis Manzano sa pagsuporta sa kandidatura ng kanyang mommy na si Vilma Santos, ganundin naman si Lotlot de Leon sa kandidatura ng kanyang amang si Boyet.
* * *
Sa darating na Lunes, Mayo 14 ay araw na ng paghuhukom. Dito ngayon magkakaalaman kung sinu-sino sa mga sinuportahan ni Mother Lily Monteverde sa pagka-senador ang makakalusot sa senado. Kapag nakalusot lahat, tiyak na sa susunod na halalan ay marami pa lalo ang lalapit kay Mother Lily para hingin ang kanyang basbas at suporta tulad ng paglapit ng mga kandidato sa iba’t ibang religious organizations.

Samantala, tiyak na ipit si Mother Lily sa pagitan ng dalawang kandidato sa pagka-mayor ng Makati, ang nakaupong alkalde ng Makati na si Mayor Jejomar Binay at ang kanyang katunggali na si Sen. Lito Lapid. All out ang suporta ni Mother Lily kay Mayor Binay habang si Sen. Lito Lapid naman ay matagal na naging artista ni Mother Lily.

Ngayong araw ang tapos ng kampanya, haharapin naman ni Mother Lily ang mga ongoing movie projects ng Regal tulad ng My Kuya’s Wedding na tinatampukan nina Ryan Agoncillo, Maja Salvador at Pauleen Luna ganundin ang Tiyanak na pinagbibidahan nina Rica Peralejo, ang estranged sweethearts na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras, JC de Vera kasama sina Jill Yulo, Alwyn Uytingco, Ryan Yllana, Karel Marquez at Andrei Felix at pinamamahalaan ni Mark Reyes. Paghahandaan na rin ng Regal matriarch ang mga pelikulang kanyang ilalahok sa 2007 Metro Manila Film Festival.
* * *
[email protected]

KANYANG

LITO LAPID

MOTHER LILY

MOTHER LILY MONTEVERDE

RUFFA

YILMAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with